Chapter 18

131 6 0
                                    

Chapter 18

Let You Go

"My head hurts so much." bulong ko at napaupo sandali.

Tumingin ako sa paligid sandali at napansin na nasa loob na ako ng kwarto ko sa EXO dorm!

Am I still dreaming?

Bakit nandito na kami? Ang huli kong naalala ay umiinom ako ng wine sa hotel room namin. Wala na akong naalala pagkatapos noon. 

Tumayo ako at sandaling nag-ayos, bago bumaba sa sala. Kaagad kong nakasalubong ang buong EXO na naglalaro ngayon ng video games sa television. 

"You're awake now." biglang sabi ni Baekhyun, kaya lahat sila ay napatingin sa akin.

"Paano tayo nakauwi?" mahina kong tanong sa kanila habang sapo-sapo ang ulo ko dahil kumikirot parin.

"We used car?" sagot naman ni Chanyeol at nag apir pa silang dalawa ni Baekhyun.

So, tulog pa ako noong umuwi kami. Hindi ko man lang naramdaman na may bumuhat sa akin sa sobrang lalik ng tulog ko.

I pouted. "Nag breakfast na kayo?" pag-iiba ko ng tanong sa kanila.

"It's two in the afternoon na, Lace." sabi naman sa akin ni Chen, kaya nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Lunch?" tanong ko ulit.

"Don't mind them." 

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Sehun na kasama si Vivi ngayon. Hinila niya lang ako papasok ng kitchen at inupo sa may barstool.

Unti-unti akong yumuko sandali doon dahil parang pinipiga ang ulo ko! Ang sakit talaga, pwede ba tanggalin muna tapos ikabit nalang kapag hindi na masakit?

"Hindi na ulit ako iinom. Never." I whispers on the air.

"You should be." sagot naman ni Sehun ulit, kaya napaayos ako ng upo at sumibangot.

"I thought you're mad at me?" tanong ko sa kanya.

Humarap siya sa akin at may biglang inilapag na bowl sa harapan ko. "I'm not." sabi niya nang hindi man lang nakatingin sa akin, kaya ako na ang sumilip sa kanya para mapatingin sa akin.

"Lace, stop it." sabi niya.

I can't help but to smile.

"Hindi ka na galit sa akin?" tanong ko sa kanya.

"I'm not mad at you." sagot niya ulit sa akin at balak na lumabas na ng kitchen pero hinawakan ko siya sa pulsuhan niya.

"Did I do something crazy last night?" hindi ko mapigilang itanong sa kanya iyon.

Nakita kong namula kaagad ang tenga niya, kaya napakunot ang noo ko. "Oh Sehun." tawag ko sa kanya at ako na mismo ang lumapit sa kanya para makaharap siya.

"Ano ginawa ko?" tanong ko sa kanya.

"'N-Nothing." sabi naman niya at umangat na ang tingin sa akin.

I let a long sighed. "Mabuti naman. Akala ko meron." sabi ko at binitawan na siya para kainin na ang hang over soup.

Hindi na talaga ako iinom ulit. Ang sarap sarap kasi ng wine.

"You called your brother last night." biglang sabi niya, kaya napahinto ako sa pagkain at inikot ang seat ko paharap sa kanya.

"I did?" gulat na tanong ko.

He just nodded at me and stares for a while.

Hindi parin ako masanay na titigan niya ako ng ganito. Bakit ba siya tumititig sa akin?

Erasing The Memories of YouWhere stories live. Discover now