Chapter 43

1K 42 14
                                    

Chapter 43: Condo

“Please, kausapin mo naman ako, Victoriane.”

Huminga ako nang malalim. Nang lumabas kami sa palasyo ay dumiretso kaagad kami sa sasakyan sa hindi kalayuan. Aalis na sana kami nang napansin kong sumunod sa amin si Jace.

Nang makita ng dalawa si Jace ay unti-unti silang umatras para bigyan kami ng privacy na sana ay hindi nila ginawa dahil wala akong balak makipag-usap sa lalaking nasa harap ko na ngayon.

“Ang kulit mo! Ang sabi ko, ayaw ko. Wala akong balak makipag-usap sa iyo ngayon kaya puwede ba?” magaspang kong sabi.

I saw how bloodshot his eyes were. Perhaps, he’s hurt? Ha! No way! Sa aming dalawa, ako dapat ang ganiyan. Pa-victim.

Nag-iwas ako ng tingin.

Magpapaliwanag na ba siya sa akin ngayon? Kung kailan nakapagdesisyon na ako? Marami siyang oras para magpaliwanag sa akin, nang nagkita lang kami rito kasama ang babae na iyon saka siya maglalakas loob na kausapin ako?

“Look at me, please,” he begged.

Hahawakan niya na sana ang aking kamay nang kaagad kong hinawi iyon. I feel nothing right now.

Gusto ko na lang maglaho ng parang bula ngayon, parang sasabog ang utak ko sa kaiisip sa mga nangyari ngayong araw. This was so tiring and a painful day!

Tumulo ang aking luha na kanina pa pala kinikimkim. Akala ko ay ubos na ang luha ko, pero ito ako ngayon lumuluha na naman! Naalala ko ang pagyakap niya sa babae, paghatid, tapos iyong halik! Lahat-lahat! Nanahimik ako, pero ano? Wala akong narinig galing sa kaniya! At ngayong sarado na ako sa mga paliwanag saka siya kikilos?!

Kaagad niyang pinaglapit ang aming distansya at walang pasubaling pinunasan ang aking luha sa pisngi. Umiwas ako kahit na imposible dahil sa tatag ng pagkakahawak niya sa akin.

“Please, give me a chance to explain. You mistook any of it, babe. Let me clarify things —”

“Hindi ko alam, Jace! Pagod na ako... kaya please pabayaan mo muna ako!” Tinulak ko siya na pinaunlakan niya naman. Saglit pa akong tumitig sa kaniya bago nagmartsa papaalis.

“Tara na, Kuya!” utos ko nang isalampak ko ang sarili sa backseat. Nasa driver’s seat na ito samantalang si Kent naman ay nasa shotgun seat. They both examined me from the rearview mirror.

Pinalis ko ang tuyong luha para hindi halatang problemado ako ngayon.

“You good?” tanong ni Kent sabay lahad sa akin ng bote ng tubig.

Hindi ko siya sinagot at tinanggap na lamang ang inalok niya. “Thanks.”

While on our way home, tahimik lang kami hanggang sa nagpatugtog si Kuya. Nasa kalagitnaan ng kanta nang sinabayan niya ito.

“Where did we go wrong? I know we started it out alright,” pagkanta niya.

Napairap ako sa lyrics ng kanta bago ibaling ang atensyon sa labas ng bintana.

“Dude, respeto naman! Nasaktan si Ari!”

Kumunot ang noo ko sa pahayag ni Kent. Anong nasaktan? Tss.

“Nasaktan ka ba, Ari? Naapektuhan?” tanong naman ni Kuya kaya tiningnan ko siya sa rearview mirror.

Umirap ako nang sulyapan niya ako roon. “Duh, ba’t naman ako maapektuhan? Losers,” wika ko.

I heard a boo from Kuya afterwards. Maya-maya ay humagikhik na siya. “Aha, loser daw! Hindi naman apektado si Ari, Kent... hmm?” he trailed and glanced at Kent. “O baka naman ikaw ang naapektuhan?” makahulugang sambit nito.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now