Chapter 30

1.3K 52 0
                                    

Chapter 30: Past

Zian’s POV

I was so speechless, pumara ako ng taxi at napagdesisyon na pumunta sa bahay nina Kent.

Kaya ba ganoon si Chesca kagalit kay Ari simula nang dumating ito ay dahil sa bagay na iyon? Dahil sa anak daw siya ni Papa?My sister didn’t even do anything wrong, so why holding a grudge against her?

Was she jealous?

Wala siyang idinulot na mabuti kay Ari simula pa lang kaya naman naguguluhan talaga ako at hindi pa siya natatanggal lalo’t si Lolo pala ang may-ari ng eskwelahan, pero hindi tama na pangunahan ko ang desisyon niya.

Hindi rin talaga ako makapaniwala na si Lolo ang may-ari ng Clark High. Nang nasa probinsya pa kasi kami ay wala siyang nababanggit sa amin tungkol sa mga ganoong bagay. 

Napabuntonghininga ako.

Hindi kaya naghiwalay sina Mama noon dahil sa bagay na ito? Ngayon, naisip ko na siguro nga, dahil wala namang ibang bagay ang maging dahilan pa. We lived in Tipolo for years, kasama ko sina Papa sa probinsya. Ni isang taon din akong hindi nag-aral at iyon ang paliwanag kung bakit ka-level ko na ang dalawa— si Ari at Kent.

Did they really have to go that far? I mean, bakit kailangang madamay pa kami?

Nakakagulat isipin ang ganitong bagay. Paano kung... anak talaga ni Papa si Chesca?

Napabuntonghininga na naman ako.

I always admire Papa for being hard-working. He cared for me back then in Tipolo until now. He always taught me good things—on how to deal with the people around you— that you should be humble and nice to them. They taught me that before you judge you shouldn’t be one-sided, hindi dapat kaagad mag-conclude. He never failed me to say how he loves me, Mama, and Ari so much, to the point that I was so disappointed after knowing those. I don’t know what things he’s capable of anymore.

Maybe, it was the big mistake he ever did in his life, that if ever he has given a chance to wish he’d probably wish that nothing like that happened.

But what if Chesca’s really his own?

Nagbayad na ako ng pamasahe sa driver at bumaba na. Nasa tapat ako ng bahay nina Kent na katabi rin ng bahay namin dito sa Egaro. Walang pasubali akong nagdoor bell at kaagad rin naman itong binuksan ni Manong Leo, ang taga-bantay sa bahay nila kapag wala ang mga ito.

“Good afternoon po. Nasa loob ba si Kent?”

Kaagad itong ngumiti nang nakita ako. “Oh, Zian! Pasok ka! Nasa loob siya.”

Tumango ako bago pumasok sa loob. Napabuga ako ng hangin sa gulo ng isip. Nakita ko si Kent na nakaupo sa couch sa living room at nanonood ng kung ano sa Netflix. At nang makita ako ay kaagad na tumayo, akma siyang magsasalita nang lagpasan ko siya at dumiretso sa kusina.

Hindi ko napansing sinusundan niya pala ako ngunit hindi rin siya nagsalita gaya ng gusto ko. Binuksan ko ang ref nila at kumuha ang beer. Kumuha ako ng dalawa at inilapag ko sa counter na nasa harapan ko.

Sumandal si Kent sa countertop at nangunot ang noo. “Tanghaling tapat at iinom ka?" Itinuro niya ang dalawang bote. “Really?”

I frowned. “What’s wrong with you?” Ibinalik ko pa rin sa fridge ang dalawang bote at kumuha na lang ng isang balot na Yakult.

Kaagad niya akong pinigilan at inagaw ang mga ito sa akin. “Alam mo namang hindi ako nabubuhay sa isang araw nang hindi ako nakakainom nitong Yakult, hindi ba?”

I scoffed. “Isaksak mo sa baga mo iyan,” sabi ko na lang.

Napailing nalang ako sa pagiging mahilig niya nito, talagang mahilig na siya sa Yakult noon pa man. Naalala ko pa noon na binigyan niya ako ng isang pack, pero ipinapabigay niya lang pala sa kaibigang babae. Kapag naman gagala kami ay pumupuslit din siya para bumili sa convenience store sa malapit.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now