Chapter 10

1.9K 93 4
                                    

Chapter 10: Miss

"Let's go home." Inilapat ni Kuya ang palad sa aking leeg para i-check ang aking temperatura pagkatapos ay maingat niya akong hinawakan sa kamay at hinila.

"Thank you for looking after her, Jace." Tinapik ni Kuya ang balikat ni Jace na nasa aking likod.

"Anything for my baby..."

Umismid ako.

Nagsabay kaming lima palabas ng gate kanina. At hindi nakaligtas sa aking mga mata ang mga curious looks at bulong-bulungan ng ibang estudyante.

"OH, ba't matamlay iyang isa?" puna ni Kuya Jul nang makarating kami sa harap niya sa parking lot.

"Nilalagnat si Ari, e."

"Baka dahil 'yon sa pagbabad niyo sa tubig kahapon," aniya sabay bukas ng pinto ng sasakyan.

Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kuwarto. Nagbihis atsaka nahiga sa kama.

Maya-maya ay pumasok si Kuya at Mama sa aking kuwarto na may dala-dalang palanggana at tray.

"Kumain ka ba nang maayos kanina, Ariane?" tanong ni Mama.

"Wala akong gana, Ma, pero kumain naman ako ng prutas..."

"Kumain ka muna bago uminom ng gamot."

Kinain ko ang hinandang lugaw ni Mama atsaka uminom ng gatas. Pagkatapos ay pinainom ako ng gamot ni Kuya bago dampian at punasan ang ilang bahagi ng aking katawan ng basang tuwalya.

"Thank you, Kuya."

Ngumiti siya sa 'kin. "Huwag ka na ulit magkasakit, ang panget mo kapag matamlay."

Maikli na lang akong tumango at humiga ulit.

"Hmm..." Tumango-tango si Mama at bumaling kay Kuya kaya naman dumapo rin doon ang aking paningin.

"Ano nga ulit 'yon, Zirdy, anak?"

Tumaas ang kilay ni Kuya at umupo nang maayos. "Iyong ano, Ma..."

"Bakit?" tanong ko.

"You and..."

"W-Wait!" Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Kuya.

"Mama si Ari, oh!" he mumbled.

"Bitawan mo siya, Ariane."

Tinanggal ko ang aking kamay na nakatakip sa bibig ni Kuya at bahagyang nginitian si Mama.

"Jace is now courting you, right?"

Nag-angat ako ng tingin kay Mama na nakataas ang kilay.

"Mama, I wasn't sure of-"

"Yeah, and that was okay. Bantayan mo iyang kapatid mo, Zirdy. Nagdududa pa ako sa batang iyon," seryoso na bilin ni mama.

Pagkalabas ni Mama ay nilingon ko naman si Kuya na nagsi-cell phone sa gilid.

"Busy ka, ah? Sino ka-text mo?"

"Jace texted me-"

"Hep! Hep!" pagpigil ko sa kaniya.

"Relax, baby, kinumusta ka lang. Sige na matulog ka na." Tumayo si Kuya atsaka lumapit sa akin para guluhin ang aking buhok.

"Goodnight, my princess."

I like Jace. But who am I kidding? Bago pa lang kaming magkakilala tapos manliligaw na siya sa akin? Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya o hindi.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now