Marinel

54.8K 3.7K 128
                                    

May naging boyfriend po ako when I was in 1st year high school. Legal po kami at okay lang po sa parents ko. Noong una, ang akala ko ang gusto nya ay ang bestfriend ko but as it turned out, sa akin pala sya manliligaw. Sinagot ko sya after 5 months of courtship at naging masaya naman po kami. When I passed the UPCAT, I refused to leave dahil ayoko syang iwanan. Akala ko fairytail ending na but out of the blue, nakipaghiwalay sya sa akin. Ang sabi nya ay hahanapin daw muna nya ang sarili nya. Leche lang, sana nagsabi sya nang mas maaga para binigyan ko syang mapa. Three years na kami nun tapos ganun-ganun lang. Nakakasira ng bait, Teh. So, ayun pinalaya ko sya. Ang bait ko eh.

Ngayon, two years na kaming break pero ang pinakamalupit, we became best friends after we broke up. Walang ilangan at close kami sa isa't isa. Lumevel-up na sya kasi naging two-timer na. Ako naman may nanliligaw sa akin, boyfriend-material sana kaso walang spark, eh.

Hindi ko alam kung mahal ko pa ba ang ex ko. Ang alam ko ay gusto kong ma-realize nya na ako ang "The One" nya. Ako lang kasi ang nakakaintindi ng lahat ng trip nya, ako yun takbuhan nya kapag may kailanan sya at ako ang walang-sawang magpaalipin sa kanya. Lahat ng hinihingi nyang pabor ay ibinibigay ko kahit minsan nararamdmaan kong balewala lang ako sa kanya. May times na sweet sya at may pagkakataong dinidedma nya ako. Alam kong hindi nya ako mahal but I still want him back.

Minsan, nakakapanghinayang pakawalan yung isang tao kasi lahat ng effort na pwede mong ibigay ay ibinigay mo na. Nanghihinayang ka sa sakrispisyong ginawa mo at nanghihinayang ka sa pinagsamahan ninyo. This is one of the reasons why we tend to settle—panghihinayang. Ayokong panghinayangan mo ang isang bagay na tapos na. At oo, Neng, tapos na kung ano mang meron kayo. Nakipaghiwalay sya sayo. Sya ang kumawala. And he gave one of the lamest excuse he could give—hinahanap nya ang sarili nya. Bakit? Di ba nya kayang hanapin yun nang magkasama kayo? Naiintindihan ko pa kung in denial ka a week or a month after you guys broke up pero ilang taon na ba? Aba, isn't it high time that you see his excuse for what it is? Hindi mo alam kung mahal mo pa ba sya pero you still want him back? Collector's Edition ba itong ex mo, Neng? Isa lang ang ibig sabihin nyan—mahal mo pa sya. Pero ito ang realidad—ayaw na nya sayo. Inayawan ka na nya. Sya ang nakipaghiwalay. Does that mean na ikaw ang may problema? Na may may pagkukulang ka? Hindi. May mga pagkakataon lang talagang kahit gawin mo ang lahat ay aalis ang tao sa buhay mo because he or she is not meant to stay in your life. Let him go.

The bestfriend syndrome is one malady that women are so prone to—ewan ko ba kung anong attractive sa best friends at nagpapauto tayo sa ganyan. You cannot be best friends with someone who treats you like trash; do not allow yourself to call someone a friend if that person only remembers you if he or she needs a favor. Irespeto mo naman ang sarili mo. Hindi ka basahan, Neng, haubey.

If your ex wants to be your friend or your best friend, make him work hard to earn that friendship. Hindi iyong tipo na nasasaktan ka dahil kaibigan ang tingin mo sa kanya pero parang sya hindi. Walang mali sa pagiging magkaibigan after a break up, but let me tell you this: hindi ka makaka-move on. Kabullshitan na lang yang kaya mong baguhin yang nararamdaman mo bigla-bigla at yung pagtingin mo sa kanya ay platonic na lang. Hindi mawawala yung feelings mo sa kanya dahil dyan, hindi mo na lang sya ex, nilagay mo pa sya sa pedestal bilang best friend mo. And now you want him back despite knowing that he doesn't return the affection, and in harsher terms, despite knowing na ginagamit ka na lang nya ngayon. At nagpapagamit ka naman.

Walang masama sa pagmamahal. Walang masamang makita mo ang kabutihan ng ibang tao. Walang masama sa pagsakay mo sa trip nya dahil ikaw lang ang nakakaintindi sa kanya. Nagiging masama lang naman ang isang bagay kung nakakasakit ka na o nasasaktan ka. Tulad ng nangyayari sayo ngayon. You even call yourself his alipin. Ibig sabihin, alam mong one-sided yung friendship at one-sided yung love. Stop.

Karamihan sa kakilala ko ay hindi nakakamove-on kasi ayaw nilang magmove-on. Realize that you cannot continue living in the past—mahal ka nya noon. Noon iyon. Nagbago na sya at nagbago na ang nararamdaman nya. Sabihin nating true love ito dahil mahilig tayo sa kaechosang ganyan pero gusto kong malaman mo na kapag totoo ang pagmamahal, hindi ito dapat masakit. Kung may pagsubok man, dalawa kayong haharap dito. Kung mag-isa ka lang na nasasaktan at mag-isa ka lang humaharap sa pagsubok isa lang ang ibig sabihan nyan—mag-isa ka lang sa nararamdaman mo.

Bata ka pa, Neng, there is so much beauty to experience ahead of you. Wag mong pigilan ang sarili mo. Mahirap kalimutan ang pers lab, sa sobrang hirap nyang kalimutan ay ang dami na ring kanta, palabas sa TV, palabas sa sine at tulang nagawa para dito. Ganun sya kasikat. Mahirap kalimutan pero hindi ibig sabihin ay hindi mo kaya. Aba, kung totoong hindi ka nakakamove-on sa pers lab mo eh di sana ang dami nang nabaliw ngayon, ilang bilyong tao ba ang nagkaroon ng first love at nasaktan pero naging normal naman ang buhay nila. Kaya mo yun. I would have advised you to hold on kung mutual yung nararamdaman nyo, eh, pero hindi. Hindi ka na nya mahal kaya mahalin mo na muna ang sarili mo kaysa inuubos mo ang dugo mo sa pagmamahal sa isang taong matagal ka nang pinakawalan.

Open your heart to others. Sabi nga ng tatay ko ay isang trial and error ang paghahanap ng taong mamahalin at magmamahal sayo. Trumial and error ka na. Mas mabuti iyon. Mas marami kang matututunan at mas masayahang maranasang sinusuyo ng taong gusto ka kumpara sa maghintay sa taong alam mong hindi ka mahal. Yang sparks, churva lang yan, hindi ka naman poste ng Meralco, wag mo nang hintayin. Love happens if you allow it to happen. Pero kung sarado ang puso mo kahit sindihan ka pa at paulanan ka pa ng luses ng manliligaw mo, wala kang sparks na mararamdaman.

Live your age. Jusko, ilang taon ka lang ba pero parang ang bigat ng aura mo? Find new friends, seek new adventures and love those who love your harder.  You are a teenager; you shouldn't be tired about love and jaded towards relationships because you are stuck in the memories of the past. Get excited at the thought that you are in a quest to find someone who will help you in writing your love story together. Finding love is one great journey and you cannot find it by continuing to be haunted by the ghost of a person's feelings that already died.

Leave him.  Accept the fact that you both tried but he gave you up. He gave you up. Get that fact inside your head and move on. Love yourself. If you are allowing someone to treat you like a doormat, it only means that you do not love yourself hard enough. Love yourself harder. Enjoy your youth. Enjoy it because it doesn't last. Enjoy it while you can still afford to be silly. When you're in your twenties with responsibilities to face, being silly is no longer cute, it makes you look stupid. So enjoy being silly now while you have your youth as a viable excuse.

And lastly, start making new memories. Memories that are fun; memories that make you laugh; Memories that you can tell your children about. And memories with people who chose to stay with you. Start now. Without him. He could have stayed but he chose to leave. Choose to live without him.

Good luck.  

Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon