Love. Life. And beyond.

78.7K 3.6K 89
                                    

Ginawan ko na ito ng sariling libro kasi in fairness, ang dami nyo yatang may problema pagdating sa buhay at buhay pag-ibig. Ginawan ko na rin ito ng sariling page kung saan para dun ninyo ipadala sa akin ang mga liham ninyo. Sa sobrang dami kasing messages ay natatabunan na yung iba at di ko na nabibigyan ng pansin kaya tuloy marami ang nagtatampo o kaya ay nagagalit.

Wala akong degree sa Psychology at meron lang akong iilang units dun when I took Psych subjects as my elective. Pero sa tingin ko ay hindi nyo naman kailangan ng clinical o scientific advice, ang totoo, kailangan nyo lang talaga nang may makinig sa inyo.

I will try my best to give you counsel (naks!), yun nga lang, I am a bit harsh (or too harsh for some). That's how I am and I do not make excuses and apologies for that. I will tell you things as they are and I am not going to baby you.

Sa mga nagpadala ng messages tapos hindi ko na nabalikan o kaya ay hindi ko na nasagot, pwede kayong magpadala ulit sa website na nasa baba. I will try hardest to accommodate as many senders as I can.

If there are problems that you do not want published here, paki-indicate na lang. Ayoko namang magkabwisitan pa tayo dahil mas gusto ong private yung pag-uusap natin tungkol sa problema mo. But I hope that most of the senders will allow me to publish their concerns para naman kung merong iba na may pinagdadaanang tulad din ng pinagdadaanan o pinagdaanan ninyo ay may matutunan sila galing sa inyo.

Bakit nga pala love ang focus ko? Actually hindi naman love kahit sya ang nauna, buhay naman talaga in general. Pansin ko kasing karamihan ng readers ng Wattpad ay kabataang single (itago ang mga violent reactions) and I also noticed that some of you have grown bitter over something that's supposed to be precious and beautiful.

Ang maipapayo ko lang, maghunos-dili muna. Wag padalos-dalos. Wag magpapadala sa inggit dahil ang mga kabarkada o kaibigan ninyo ay may natatanggap na text message kay bae samantalang ikaw, ang tanging natatanggap na message mo lang ay  text message galing kay SMART o Globe na nagsasabi sa inyong kulang ang load nyong pang-unli.

I am not going to discourage you from falling in love, trying out new adventures or taking risks since I am a firm believer that one should experience pain, heartache (and all those things that make one sappy while listening to Taylor Swift's Blank Space) to fully appreciate the sweetness of life. But I am not going to encourage you either. I want you to experience life in your own pace and in your own terms.

Parati kong sinasabi sa messages kapag nagbu-book-signing ako that life is meant to be enjoyed. Life doesn't have to be too serious or tedious. I want you to live it. And no matter how wrong you think your decision is, do not regret it, stand by it and learn to try again when you fail.

Let's have fun!

♥ jennicka

P.S.

Ito yung page https://www.facebook.com/pages/Pumapag-ibig/363469033814441

Under Construction Pa Lang Ito

Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon