[WB: Raph7]

732 28 0
                                    

[WB: Raph7]

 

Lucy’s POV

 

“NO, Raph, tell me this is a joke!” paulit-ulit na sigaw ko kay Raph paakyat pa lang kami sa elevator papunta sa floor ng condo ko. Sa ibaba pa lang ay marami nang taong nag-aabang ng balita tungkol sa pagnanakaw na naganap.

“Lucy---“

 

Hindi pa niya nasasabi ng buo ang gusto niyang sabihin ay napatili na agad ako pagkakitang nakabukas ang pinto ng condo ko. “Look, Raph, I hired a maid thief! Or a thief maid... or whatever that suits her! Ah!” mabagal na pumasok ako sa condo ko. Limas ang laman niyon, pati ang mga figurines na sa ibang bansa ko pa binili ay wala rin. “Bakit hindi na lang iyang sofa ang kinuha niya? Ten thousand lang yan. Yang LCD TV, wala pang 50 thousand yan, bakit ang mga figurines ko pa?” kulang na lang ay maglupasay ako. Literal na nanlaki ang mga mata ko pagkakitang walang kalaman-laman ang closets ko, “no, no, no! She stole everything!” may ilan sa mga damit doon na ako mismo ang nag-design at siguro akong kaisa-isa lang sa mundo. “I’m going to die!”

 

“Hmm?” tinignan lang ako ni Raph na parang isang Mentos lang naman ang nawala sa akin.

“No, Raph, you can’t do this to me,” mangiyak-iyak na pakli ko sa kanya kasabay ng pagmamaktol. Lumikha ng tunog ang heels ko sa tiles na sahig. “I’m going to find her, kakalbuhin ko siya!” desididong sabi ko. Nagmartsa ako palabas pero pinigilan niya ako. “Let me go, I’ll find her.”

 

“No, Lucy, hayaan mo na ang mga awtoridad na gumawa nito,” sabi niya sa akin saka iminuwestra ang mga pulis na naghahanap ng finger prints sa mga naiwang bagay sa loob ng condo.

“Stupid people! For sure wala silang magagawa!” sigaw ko. Wala akong pakialam kung naririnig man nila ako, basta ang akin lang ay masabi ko ang nasa loob ko. Napaupo ako sa sofa saka isinubsob ang mukha ko sa mga kamay ko, “I spent my whole life collecting those items,” mahinang sabi ko na ang sarili ko lang din naman ang kinakausap. “Kuya Ruel would be so happy.”

 

“Lucy, it’s okay. Ang mabuti, walang nangyaring masama sa inyo, okay?”

 

“Pero ang mga gamit ko!” tumayo ako saka nagmartsa palabas ng condo. “Set aside, idiot,” tinignan ko mula ulo hanggang paa ang isang babaeng halatang nakikiusyoso lang naman.

“Saan ka naman pupunta ngayon?” humabol sa akin si Raph.

“Bibili ng mga gamit na ipapanakaw na naman sa mga mapagsamantalang chimay!” sagot ko at ikinumpas ang isang kamay.

“Teka lang,” hinawakan niya ako sa kamay. Eksaktong bumuka ang mga labi niya para magsalita ay siya namang pagtunog ng cellphone niya sa bulsa. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa cellphone niya at sa akin.

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon