[WB: Raph9]

607 19 0
                                    

[WB: Raph9]

Raph’s POV

“GOOD morning po, ‘la,” bati ko sa lola ni Francis na si Lola Greta. Inagahan ko talaga ang paggising para mabisita siy. Kung gising lang sana si Lucy kaninang umalis ako sa bahay ay baka isinama ko na rin siya.

“Raphael? Ay, bata ka, ikaw pala ang sinasabi ni Francis na darating,” lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat, “parang kailan lang noong makita ko kayo noong mga bata pa lang akyo, oo, putik-putik pa ang mga mukha niyo noon. Ngayon, naku, kita mo nga naman, pasok ka,” sabi niya at nauna nang naglakad papasok sa loob ng bahay niya. Hindi iyon kalayuan sa bahay ni Francis. “Nag-agahan ka na ba, ha?” tanong pa niya sa akin.

“Hindi pa po,” hindi na ako nagsinungaling pa. Hindi pa naman talaga. Nagluto lang ako sa bahay ni Francis kanina para sa kakainin ni Lucy pagkagising niya.

“Saglit lang at kukuha ako ng tinapay at nang niluto kong palaman na tsokolate, ipagtitimpla na rin kita ng kape.”

Naglakad na papasok sa kusina si Lola Greta. Mag-isa na lang siyang namumuhay sa kabila ng edad niya. Pero kung titignan, malakas pa naman siya. Wala naman na siyang ibang kamag-anak kundi si Francis lang na kaisa-isa pa niyang apo. Iyon marahil ang dahilan kung bakit lola’s boy si Francis.

Umuuwi lang si Francis doon kapag kailangan niyang magtago sa mga babaeng nauto niya. Kapag malamig na naman, saka lang ulit siya luluwas. Balita ko nga ay madalas siyang pagsabihan ni Lola Greta na tumigil na sa mga pinaggagagawa niya. Alam kong tuwang-tuwa si Francis nang maipatayo na ang bahay, alam naman kasi naming lahat na hindi lang iyon sa sarili niyang kagustuhan kundi na rin iyo din ang gusto ng isang babaeng pinakamamahal niya.

“Eto na, oh, kumain ka na, sabay na tayo. Mas inuna ko pa kasi ang pagtatanim ko kaysa sa pagkain ko,” nakangiting pakli ni Lola Greta sa akin.

“Sige po,” tinulungan ko ap siya sa pagbababa ng tray.

“Ikaw ba’y walang kasama sa pagdating, hijo?”

“Meron po kaso natutulog pa.”

“Babae ‘yan, ano?” hindi na ako sumagot, ngumiti na lang ako, “naku, swerte ng babaeng iyan. Pangatlo pa lang sa mga babaeng nakapasok. Ako, si Louisse, pagkatapos ay siya.”

“Si Louisse ho?”

“Naku, oo nga pala. ‘Wag na ‘wag mong sasabihin iyan kay Francis, ha? Ang totoo niyan, hijo, madalas akong bisitahin dito ng kababata ni Francis, iyon ngay si Louisse. Ewan ko ba sa dalawnag batang iyon, nagtataguan yata,” nagpalaman siya ng tinapay at nagsimula ng kumain.

Best friend ni Francis si Louisse, mas nauna pa nga niyang nakilala ang babae kaysa sa amin. Halata namang hanggang ngayon ay may pakiramdam pa rin siya sa babae pero hindi namin alam kung bakit ang bilis mag-init ng ulo niya kapag napag-uusapan na ang tungkol sa kanilang dalawa. Ang bilis nga lang kung hihingi siya ng tulong sa aming mga kaibigan niya para hanapin si Louisse pero ang gusto daw niya ay siya na lang mag-isa ang maghanap. Pero sa totoo lang, noon pa man ay alam na namin kung nasaan si Louisse, hindi lang namin sinasabi sa kanya dahil paniguradong magagalit siya sa amin. “Opo, di ko po sasabihin.”

“Itong babaeng kasama mo ba ay itinanan mo, ha? Kabataan nga naman ngayon, maaari namang idaan sa bahay ang panliligaw kung bakit kailangan pang tumakbo,” napailing-iling siya.

Maging ako’y napailing din ng awtomatiko, “nagkakamali ho kayo, binabantayan ko lang po siya.”

“Binabantayan? Aba, hindi ba’t ikaw iyong imbestigador?”

“Ako nga po.”

“Eh, bakit ka nagbabantay?”

Napatigil ako sa pagnguya ng pagkain ako. Bakit nga ba ako nagbabantay? Dahil ba sa nababagot talaga ako? “Ano po kasi---“

“Hindi mo naman itatago ang babaeng ‘yan dito sa tagong lugar kung hindi nanganganib ang buhay niyan. ‘Yang gawain mo ngayon, nagawa ko na nung kapanahunan ko pa,” napatawa pa siya, “nagbubuwis ka ng buhay, hijo. Buhay mo ang itinataya mo.”

“Ho?”

“Siguro nga malabo pa sa ngayon pero pagdating ng tamang oras, maiintindihan mo rin,” tinapik niya ang balikat ko.

Nagpatuloy pa kami sa pagkukwentuhan hanggang sa matapos kami sa pagkain. Nagpaalam na rin agad ako sa kanya pagkatapos ko siyang tulungang mag-ayos sa pinagkainan namin.

“Lagi kang mag-iingat, ha? Huwag kayong mahihiyang pumarito ng babaeng kasama mo,” kumakaway na bilin sa akin ni Lola Greta.

Tumango na lang ako at umulit ng pasasalamat.

Tahimik ang buong bahay nang makarating ako. Napagdesisyunan kong maligo na muna tutal ay wala naman na kaming gagawin buong araw ni Lucy. Baka nga tulog pa iyon.

Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa tinuran ni Lola Greta. Bakit nga ba ako nagbabantay? Nabubuwis din daw ako ng buhay, sariling buhay ko mismo ang itinataya ko kay Lucy. Dahil lang ba sa pera? Pero kung dahil doon, kaya ko namang kitain ang perang ibabayad niya sa akin sa isang iglap lang. kung tutuusin, magi-isang buwan pa lamang mula nang magsimula akong magtrabaho sa kanya pero ang rami ng nangyari. Parang isang buong taon ko na siyang nakakasama.

Tinatanggal ko na ang headset ko nang pumasok sa kwarto.

Napatigil ako. Lagpas pa lang ako ng ilang pulgada sa may pintuan nang matulala.

“Oh my gosh...” mahinang usal ni Lucy habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin.

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon