[WB: Raph15]

557 18 1
                                    

[WB: Raph15]

 

Lucy’s POV

 

“Raph,” sabi ko. Nakita ko siyang nakatalikod sa akin pero alam kong hawak niya sa kamay si Alex.

 

“Lucy,” humarap siya sa akin na may ngiti sa mga labi, tumakbo papunta sa akin si Alexxa. “Mag-iingat kayo palagi, ha?”

 

“R-Raph?” nagtaka ako sa sinabi niya. “Raph, saan ka pupunta? Bakit ka lumalayo?” nanghihina ako. Sa bawat paghakbang ko palat sa kanya ay parang lumalayo naman siya, “Raph, ‘wag mo akong iwan, hindi ko kaya, Raph, mahal na mahal kita,” halos pabulong na lang. Para siyang kinakain ng liwanag na nasa likuran niya. “Raph!” sigaw ko.

 

“Tita,” hinila ni Alex ang kamay ko pero pati siya ay parang nawawala na.

 

“’Wag niyo akong iwan!” sigaw ko sa kawalan.

 

“Tita, hindi kita iiwan, tita...”

 

Para akong nagising mula sa malalim na pagkakatulog nang maramdaman kong may yumakap sa akin. “Alexxa...” nausal ko. Nakita kong nakayakap sa akin si Alex. “Ligtas ka,” naiiyak na sabi ko. Masaki tang buong katawan ko pero nakuha ko pa siyang yakapin. “Kuya Greg, ate Fel,” nakita ko silang nasa likuran ni Alex.

“Salamat naman at ligtas ka,” sabi ni Fel at hinawakan ang isang kamay ko. Sumunod naman ay si Kuya Greg na binigyan pa ako ng halik sa noo. “Dalawang araw na rin kayong nandito sa ospital.”

“S-Si Attorney Maniego ang may gawa ng lahat ng i-ito... ipakulong n-niyo siya...” kusang lumabas ang mga katagang iyon sa labi ko.

“Patay na siya, Lucy,” sabi ni kuya Greg. “Nanlaban siya sa mga pulis, mabuti na lang at hindi sila nahuli ng dating kundi baka kayong dalawa ni Alex ang nawala sa amin---“

 

“Si Raph!” bigla kong naalala, “nasaan si Raph?”

 

“Siya ang nagligtas sa ‘yo,” naiiyak na pahayag ni Ate Fel. “Pero... Lucy...”

“N-Nasaan siya? Ate, bakit k-ka naiiyak? Ligtas din siya, ‘di ba?” walang sumagot sa akin na mas lalong nagpakaba sa akin, “sabihin niyong ligtas siya!” narinig kong pumalahaw ng iyak si Alex. Kusang bumulwwak ang luha sa mga mata ko, “please, sabihin niyong ligtas siya...” naiiyak na pagmamakaawa ko. Pinilit kong bumangon at tinanggal ang nakakabit na swero sa akin, pinigilan nila ako pero nanlaban ako sa kanila. Natanggal ko ang swero sa kamay ko. “Nasaan si Raph?” nahihilo pa rin ako pero pinilit kong bumangon.

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon