[WB: Raph17]

768 25 8
                                    

[WB: Raph17]

Raph’s POV

“They said ‘when you don’t know what to do, just listen to your heart.’

I said ‘when I don’t know what to do, I just listen to her ‘cause she’s the keeper of my heart.’

Love is not something that comes seasonally but comes once in a lifetime only.

When you have it, don’t you dare let it go, just keep it and let it grow.”

“Wow, ang corny mo,” binatukan ni Francis si Amiel na binabasa ang hulihan ng librong kaka-publish lang. Isinulat iyon ni Khloe, lahat kaming magkakaibigan ay ginawan ni Khloe ng kwento.

“Maghanap ka na rin kasi ng girlfriend para magawan ka ni Khloe ng kwento,” inayos ni Amiel ang angulong buhok niya.

Nagsimula na naman silang magbangayan.

Ako? Wala akong pakialam sa kanila, hinawakan ko ang kamay ni Lucy na nakapatong sa balikat ko. “I love you,” bulong ko sa kanya.

Pinisil niya ang ilong ko, “I love you, too,” ganti naman niya.

“Ang sweet, oh, ang daming langgam,” tukso ni Eph na nakaakbay naman kay Ashley na asawa na niya.

“Ganyan din kaya tayo nun,” sabi ni Ashley kay Eph.

“Tumigil nga kayo, may inggit, oh,” nginuso ni JM na katabi ni Khloe si Francis.

Napa-tsk kaming lahat sa kanya. Pati kasi si Amiel ay kasama si Karylle sa grand launching ng librong sinulat ni Khloe.

“Manahimik nga kayo,” ngumuso si Francis at sinimulang ngatngatin ang grapes na nasa mesa ni Amiel.

“Hanapin mo na kasi si Louise para naman makumpleto na ang ‘The Boys Series’ ko,” binato ni Khloe si Francis ng cornick.

Hinayaan na lang namin silang magkagulo. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay hawak ko sa kamay ang pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon.

Ang sabi ko talaga noon, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya dahil nga wala naman siyang alam na ibang gawin kundi ang sumigaw, tumili, magpakaarte at makipagsosyalan. Pero ano ang nangyari ngayon?

She promised to hold me tight... and she will never let me go... and so I will, too... forever.

+++

Property of http://wattpad.com/user/EijeiMeyou

All rights reserved 2013

Cover by EijeiMeyou®

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon