[WB: Raph10]

603 15 0
                                    

[WB: Raph10]

 

Lucy’s POV

 

“UGH, darn!” kulang ang sabihing napapatalon ako sa inis. Kung bakit ba naman sa dami ng pwedeng makalimutan sa paliligo ay ang robe pa! O kahit tuwalya lang! Na hindi ko naman alam kung mayroon ba niyon sa loob ng bahay ng kaibigan ni Raph o wala. Sa sobrang pagod ko kagabi ay hindi na ako masyadong nakapag-isip. Base sa oras sa cellphone ko kanina ay mag-a-alas siyete pa lamang ng umaga. “Bwisit,” wala pa naman akong makitang kahit na anong bagay sa banyo na pwedeng itago sa mga ‘tinatago ko.’ Ni walang shower curtain! Simple lang naman kasi ang buong bahay pero maganda ang disenyo.

Ang problema nga lang doon ay dadalawa ang kwarto pero parang bodega na ang isa. Napagkasunduan namin ni Raph na salitan na lang kami sa pagtulog sa sala, tutal naman at maluwag ang sofa doon. Hindi na rin naman iyon problema sa akin dahil nasanay na rin ako sa boutique na minsan ay ginagawa ko ng bahay sa dami ng trabaho.

Sumilip ako sa labas ng banyo, nakabukas ang pintuan ng kwarto. Bakit ba nakalimutan ko ring isara iyon? Ugh! Mukhang tahimik naman sa labas, it only means na wala pa si Raph. Kaninang paggising ko ay hindi ko na siya nadatnan. Baka nag-jogging sa labas, maganda din naman kasi ang sikat ng araw at ang sarap ng simoy ng hangin.

“What now, Lucy? You go out or you go out?” I was into modelling before and I could show my body naked pero sa designers at make-up artists ko lang. I’m proud of my body, sobra. Pero siyempre, iba naman kay Raph. Kung tutuusin, hindi ko pa naman siya kilalang masyado. Napalapit lang ako sa kanya dahil nga sa bodyguard ko siya. “Bahala na,” unti-unti akong lumabas. Water’s dripping from my body. Nabasa na rin ang carpeted na sahig. Ang plano ko ay hihilahin ko ang bedsheet at yun na lang ang gagawin kong tuwalya pero nang mapagtanto kong mahirap iyong hilahin ay nagbago ako ng isip.

Lumapit ako sa isang di-kalakihang cabinet. Pagkahawak ko pa lamang sa seradura niyon ay biglang pumasok si Raph sa kwarto at nakaheadset pa siya. Tumatagaktak ang pawis mula sa noo niya pababa sa dibdib niya. Napalunok ako.

“Oh my gosh...” halos pabulong na sabi ko. Agad kong itinakip ang isang braso ko sa dibdib ko at ang isang kamay naman ‘down there.’ Nagkatitigan kaming dalawa, “don’t you know how to knock?!” naisip ko tuloy ang passcode namin. Paano nga ba naman siya kakatok, eh, nakabukas naman na ang pintuan?

 

“You’ve got a nice body.”

 

“Hello, I’m naked?” kung wala lang siguro akong tinatakpan ay baka nabato ko na siya ng lamp shade na nasa tabi ko.

“I know.”

 

Mukhang enjoy na enjoy pa siya sa pagtitig sa akin at sa buong katawan ko. “Manyak! Ah!” tili ko at mukhang doon lang siya nagising at natauhan. Tumalikod naman siya agad. Dali-dali kong binuksan ang cabinet at nakita kong may tuwalya doon. Kumuha ako ng isa at ibinalot sa katawan ko. “Damn you for looking at my body.” Naglakad lang ako sa harapan niya at kinuha ang paper bag na kinalalagyan ng pinamili namin kagabi.

What Boys Think: RaphaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon