Chapter 17

496 34 2
                                    

Bat ba kasi ako pumayag di naman sa ayaw ko, natatakot kasi ako sa Mom niya. Sino bang di matatakot eh Dean niyo yun, madalas nga kaming nag-uusap pero tungkol lang naman yun sa school. Pano kung di niya ako magustuhan.

"Queen are you okay? Bat ang putla mo, sino ba kasing nagsabi sayo na mandilig ka. Bitawan mo na yan baka nagsimula na yung mesa ngayon" nagulat ako ng nasa likod ko na pala si Kuya Slight nandito kasi ako ngayon sa garden nangdidilig medyu nabasa nga yung dress ko. Antagal kasi nila Kuya magbihis para magsimba kaya sa garden nalang ako naghintay. Nakaugalian kasi naming lahat na magsimba, kahit sobrang busy namin kailangan parin naming maglaan ng oras para magsimba.

Pagkatapos naming magsimba ay nag paalam na agad ako sa kanila na di ako sa bahay magdidinner at nagsinungaling na naman ako sa kanila. I'm sorry Lord.

Kahapon ko pa pinag-isipan kung anong susuotin ko, which is black dress na fit sa akin 2 inches above the knee with flat sandals. Naglagay lang din ako ng light make up.
Woahh this is it.

Sinundo ako ni Zero sa gate ng subdivision namin.

"Hey beautiful" pinagbuksan niya ako ng kotse at hinalikan ako sa pisngi.

"Val kinakabahan ako" sabi ko sa kanya. Pero pinagtawanan lang niya ako.
"seryoso Val" dagdag ko.

"relax, Mom will surely love you" pinisil niya yung pisngi ko at pinaandar na niya yung kotse.

"thank you Val" mahina kong sabi. Napalingon siya at ngumiti.

"I love you too" nagulat ako sa sinabi niya.

"yung totoo bingi ka Val o hindi ka naturuang sumagot ng tama sa sinabi ko" sabi ko. Nagtaka ako kung bakit siya huminto.
"bat ka huminto? " tanong ko. Humarap siya sa akin at tinanggal niya yung seatbelt niya. Akala ko lalabas siya but I was wrong coz he's now claming my lips. Nagulat ako sa ginawa niya that's why I didn't respond to his kiss a reason for him to stop.

"hindi ka ba naturuang tumugon sa halik ko" natawa ako sa sinabi niya. Hindi na ako sumagot dahil ako na yung humalik sa kanya.

"Your welcome" sagot niya at pinaandar na niya yung kotse.

"I love you" natawa siya sa sinabi ko. Para kaming tanga, kahit papano naibsan yung kaba ko.

"Let's go" hawak kamay kaming pumasok sa bahay nila.
"relax Val, kung ayaw ng Mom ko sayo okay lang di naman siya yung boyfriend mo." natawa ako sa sinabi niya. Sinasabi niya lang yung para pagaanin yung loob ko.

"Mom" tawag ni Zero sa Mom niya.

"Son deretso na kayo dito sa kitchen kanina pa ako naghihintay" sagot ng Mom niya. Bakit parang magkaiba yung boses niya, mautoridad kasi siya magsalita pag nasa campus pero ang lambing niya pag Si Zero ang kanyang kausap.

"Now tell me son am I dreaming?" tumayo yung Mom niya at lumapit sa amin.
"Sky my President" she said then she hugs me.

"Good evening Dean" bati ko sa kanya.

"no no, please don't call me Dean just call me Tita." nagulat ako sa sinabi niya. Nakakahiya naman ata nun.

"Po?"

"Kaya pala ang saya saya ng anak ko palagi may inspiration pala. And you must be the reason why he's sick yesterday" napalunok ako sa sinabi niya.

"Mom" sita ni Zero sa Mom niya.

"relax I'm not mad, I'm just happy that you're here for my son. I bet you know that I'm always busy so I don't have enough time to spend for him" her Mom explained.

"Mom my girlfriend is hungry. Pakainin muna natin siya" sabat ni Zero sa Mom niya.

"yes of course, sit down sweetie" nagsimula ng lagyan ni Zero ng pagkain yung plato ko.

"Son gusto mo bang tumaba yang girlfriend mo?" natatawang sabi ni Tita. Andami kasing nilagay na pagkain ni Zero.

"Yes Mom" nabilaukan ako sa sagot niya.

"Hey Val I'm sorry" binigyan niya ako ng tubig at hinimas himas niya yung likod ko. Natawa yung Mom ni Zero sa aming dalawa.

"what a cute couple" nahiya ako sa sinabi ng Mom niya.

Dahil sa ang daming nilagay ni Zero sa plato ko at the end siya yung umubos nun. Nandito na kami ngayon sa sala may itatanong kasi daw yung Mom niya sa akin.

"So ilang years na kayo?" napalunok ako sa unang tanong niya.

"we're 2 years and 10 months" magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Zero.

"I'm not asking you son" reklamo ng Mom niya.
"that long tapos ngayon niyo lang sinabi, akala ko pa naman ikaw ang girlfriend ni Eon" dagdag niya.

"Always busy tapos may gana pang makinig sa mga chismis" mahinang sabi ni Zero kaya sinapak ko siya.

"favorite mo ba yung french fries?" nagtaka ako sa tanong niya.

"Yes po" napangiti siya sa sagot ko habang napalunok si Zero. Bakit kaya?

"Kaya pala umuwi si Zero nung una para magpaturo kay Manang kung pano magluto nun" napangiti ako sa sinabi niya.
"Tapos nagtanim pa siya ng Potato sa likod ng bahay, it's for you pala" dagdag pa niya.

"Mom" sita ni Zero sa Mom niya.

"stay here sweety I'll get some desserts" masayang sabi ni Tita, oohh ayan nakikitita na ako.

"Mom don't bring too much, nag dessert na siya kanina" pahabol ni Zero. Nagtaka ako sa sinabi niya.

"nag dessert na ba ako kanina?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya ng nakakaloka.

"Yes Val" he said then he bite his lips. Sinapak ko siya, now I get it. He mean our kiss in the car.
"Its our favorite dessert" nag init yung mukha ko sa sinabi niya. He's teasing me.

"Sky what happened bat ka namumula, are you okay?" nag aalalang sabi ni Tita.

"No Tita I'm fine" sagot ko.

"Yes Mom she's fine, naalala lang niya yung dessert na kinain namin kanina and its the most delicious dessert we've ever........

Kinurot ko si Zero kaya hindi niya natapos yung sinabi niya. Nalilitong tumingin si Tita sa amin tapos lumaki yung mata niya.

"You mean the most delicious dessert?" nabilaukan si Zero sa sinabi ni Tita kumakain kasi siya ng dessert. Hindi lang pala ako ang nagulat sa sinabi ni Tita pati rin pala siya. Mukhang alam ko na yung ibigsabihin ng Mom niya.

"No Tita its not what you think we didn't do it, its just a kiss" taranta kong sabi, this time naibuga na ni Zero yung dessert. Habang nagtaka si Tita sa sinabi ko.

"a kiss? I thought you eat Miranda's dessert Kris Mom coz for me its the most delicious" namutla ako habang tawang tawa si Zero sa tabi ko napaluha na nga siya sa kakatawa.

"HAHAHAHA that was an epic Val" hanggang dito sa kotse ay tawang tawa parin si Zero habang ako namumula sa kahihiyan.

"Stop it Val nakakahiya kaya, ikaw kasi" reklamo ko habang sinasapak ko siya. Ilag siya ng ilag habang tumatawa.

"Hey tama na, aray pag dika tumigil another dessert na naman tayo ngayon" napatigil ako sa sinabi niya. Umupo ako ng maayos at humarap sa labas. Naramdaman kong na lock yung seatbelt ko. Nataranta ako ng lumapit siya sa akin. He was about to kiss me pero naiharang ko yung kamay ko.

"enough" sabi ko pero imbes lumayo siya sa akin ay mas lalo siya lumapit. Hinalikan niya yung kamay kong nakarahang. Bumilis ang tibok ng puso ko, natunaw ako sa titig niya at dahan dahan kong inalis yung kamay ko. Napangiti siya at inangkin yung labi ko.

"I love you" he said between our kisses. Humiwalay ako ng konti at nagsalita

"I love .... " Hindi na niya ako pinatapos.

"I know" he said then we shared a very passionate kiss.

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now