Chapter 48

366 17 3
                                    

Zero's POV,

"San ka galing kanina ka pa hinahanap nila Mom" sabi ng ate ko. Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na ako sa room ko. I hate the smell of this place.

"There you are, where have you been?" tanong ni Mom sa akin.

"Outside" tipid kong sagot.

"Alam mong bawal kang lumabas ng hospital pano kong inataki ka dun sa labas" yan nalang lagi kong naririnig sa mga bibig nila, na baka daw mapano ako. Sana nalang kasi hindi nalang ako nabuhay, ang boring din naman dito sa hospital.

Sabay kaming napatingin sa pinto ng pumasok si Dad na pawis na pawis, what just happened?

"We have a donor" naiiyak na sabi niya. Napatulala nalang ako, donor na naman tapos di rin matutuloy. Tutusokan na naman nila ako ng kahit ano.

After a successful operation, I was allowed to go out to the hospital but still I can't go to school.

***

" Son are you sure na uuwi ka ng Pinas?" Tanong ni Mom sa akin.

"Yes Mom" sagot ko, simula nung nalaman ko yung totoong nangyari sa nakaraan ko napag-isipan kong hanapin yung kapatid ng nagligtas sa akin dati.

Naghiwalay na sila Mom at Dad at kay Mommy ako sumama, pinalitan ko na rin yung apelyido ko. Diko masikmurang dalhin yung apelyido niya sa ginawa niya.

After a month of finding her I finally found her. Araw araw ko siyang sinusundan at binabantayan. Sa ganoong paraan makakabawi ako sa kasalanan ng Dad ko.

After I found out na tatakbo siyang President ng student council kinausap ko si Mom na tulongan siyang manalo. I secretly campaign for her at yun na nga nanalo siya. Sa araw araw na sinunsundan ko siya napansin kong walang siyang friends. Pero hindi naman siya loner, ang saya nga niya araw araw eh ang ganda ng mga ngiti niya.

Nalaman kong inampon pala siya ng isang mayamang pamilya at tinuring siya nitong totoong anak.

"Bro san ka naman pupunta?" Tanong ni Eon, may pasok na kasi kami pero balak ko pang sundan siya.

"Mauna na kayo, may pupuntahan pa ako" sabi ko dito. Alam na naman nila san ako pupunta kaya diko na kailangan mag explain.

Pumunta siya sa likod ng school, ka babaeng tao kung san nagpupunta. Muntik na niya akong makita kaya nag tago ako sa puno.

"Huy" sigaw nito, hindi pala muntik nakita na niya ako.
"Lumabas ka na diyan, follow me" Sabi niya, pa iba iba talaga yung personality niya sa bahay kasi nila para siyang baby pero dito sa school ang astig.

"Ngayon pa ako nakakita ng nahuling student na muntik ng mag cut ng class ng nakangiti,may saltik ka ba?" Napatawa ako sa sinabi niya, ang cute niya talaga.
"Nabaliw ka na nga" dagdag nito.

Simula ng unang encounter namin lagi ko na siyang pinapansin, kaya hindi ko na kailangang magtago pa habang binabantayan siya.

Sa ilang buwan na lagi kaming nag uusap, I found myself falling from this woman. Yeah I love her, pag to naging akin diko na to papakawalan.

I decided to court her at yun na nga pumayag siya pero kailangang patago lang. Di naman nahahalata kasi close sila ni Eon, kaya given na yun na close din kami.

December 10 the most unforgettable birthday I had, the day she said yes to me. Nawala angas ko dun nung sinagot na niya ako, umiyak pa ako sa harap ng mga kaibigan ko. Ginawa pa nilang memes yung mukha ko nun, pero okay lang siya naman dahilan.

Akala ko masaya nalang palagi pero hindi eh. She started to doubt her existence since she meet this guy. Aliasa her childhood friend pero di na niya maalala. Araw araw naninikip yung dibdib ko kasi nakikita kong nagugulohan siya mga nalaman niya, umiiyak siya at wala man lang akong magawa. Ang sama ko sa part na lagi ko siyang kinocomfort kahit alam ko namang ako yung dahilan ng pag iyak niya.

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now