Chapter 12

598 32 3
                                    

Sky's POV

Today is Friday at mamaya na magaganap yung acquintance party kaya hindi ako nakapasok dahil sa sobrang busy ko, kanina pa kami balik balik ni Eon sa venue at sa school kasi baka may kulang pa sa preparations namin.

Black and White yung motift ng party then hindi ko pa nakikita yung susuotin ko, si Mom kasi ang nagpagawa nun sa Korea ang alam ko lang black daw ang color nun. Honestly hindi ako pumayag pero wala akong magawa wala na din kasi akong time para maghanap ng susuotin ko.

"Pres you can go home now to prepare, ako ng bahala dito" sabi ni Eon sa akin, sumangayon naman ang mga lalaki sa akin magpapaiwan kasi ang mga officer na lalaki kasi di naman daw sila matagal mag ayos.
Tumango nalang ako sa kanila kahit sa totoo lang ayaw kong umalis baka may failure ako yung malalagot.

"Na text ko na si Aston para ihatid ka" sabi ulit ni Eon, hindi na nagtaka ang iba kasi alam naman nilang close ako sa barakada ni Eon tulad nga ng sabi nila ay boyfriend ko daw si Eon. Mukhang busy din ngayon si Zero, alam niyo na anak siya ng Dean. Pero alam kong alam niyang si Aston ang maghahatid sa akin yun pa eh parang stalker ko na yun.

"Are you okay?" tanong ni Aston habang binuksan niya yung pinto ng kotse niya, tumango lang ako at nag smile.
From Zero's childhood friend Aston is the most gentleman, well gentleman naman si Zero pero mukhang sa akin lang. Aston is the perfect boyfriend like what his admirer's said. Siya yung takot makasakit ng babae, siguro dahil namatayan siya ng kapatid na babae noon. Kahit siguro kong palagi kaming magkasama nito normal lang sa students kasi ganyan naman talaga siya, pag may nakikita siyang babaeng nangangailangan ng tulong ay agad niya itong tinutulungan

"Skynie please eat this" may inabot siyang fries sa akin, bumilog yung mata ko wow my favorite. Kinuha ko yun at nagsimula na akong kumain, parang nawala yung pagod ko talagang alam ni Aston yung favorite ko.

Natigilan ako ng mag ring yung phone ni Aston.

"can you answer this for me" sabi niya habang inabot niya ang phone niya pero sa daan pa rin siya nakatutok. Nag nod lang ako at sinagot yun ni loudspeaker ko. Si Vance yung tumatawag.

"Bro nakarating na ba kayo?" tanong niya, nilapit ko yung phone kay Aston.

"not yet, bakit?" rinig kong may nagdabog sa kabilang linya.

"Tan*ina anong bakit sinagot mo yung tawag kahit nagdadrive ka!" nagulat kaming pareho sa sigaw ni Zero wooaahhh he's mad. Mukhang inutusan niya si Vance na alamin kung nakarating na ba kami sa bahay.

"Hey bro relax si Skynie yung sumagot" sabi ni Aston at pilit pinipigilan yung pagtawa niya.

"Bat di siya nagsasalita? " natawa ako sa sinabi niya.

"Val narinig ko yung mura mo" sabi ko sa kanya.

"Shit sorry, Val text me pagnakauwi kana ha" nag sorry nga pero may shit parin, mamaya ka sa akin.

"opo"

"okay good, I'll hang up" he said then end up the call. Binalik ko na yung phone kay Aston, natatawa parin siya.

"talo pa yung Dad mo kung mag alala si Zero sayo" natatawang sabi ni Aston.
"So please don't leave him, he can't live without you" dagdag pa niya, halos ata silang lahat yan yung sinasabi sa akin, na ako lang daw yung mundo ni Zero na sobrang mahal daw ako ni Zero. Simula nung dumating ako sa buhay niya ay nagbago siya hindi na siya yung Zero na pala absent, natawawa ako at the same time kinikilig pag naaalala ko kung bakit kami nagkakilala ni Zero.
I was an active 1st year representive those times and he was also an active climbers of the wall just to cut classes at ako laging nakakakita sa kanya kaya palagi ko siyang sinusumbong.

"We're here" lumabas si Aston para pagbuksan ako, see ang gentleman niya kulang nalang ihatid niya ako sa kwarto ko.


"Bye, thank you Aston ingat sa pag-uwi" nag wave ako sa kanya at pumasok na ako sa main gate.

15 minutes nalang at magsisimula na yung program, as a President ako yung mag wewelcome address hindi na bago sa akin yun sanay kasi ako sa public speaking. Mom teach me well.

As what I've said I am wearing a black long gown with a slit in the right side kita nga yung legs ko. Natatawa nga ako sa mga kuya ko kasi gusto nilang tahiin yung slit andami daw kasing makakita ng legs ko, pero pinagtawan lang sila ni Mom ang KJ daw kasi nila. Then naka bun yung hair dahil yun yung request ng mga kuya ko and Dad.

Linapitan ako ni Kyla dahil magsisimula na daw yung party kaya tumayo na ako. Pagkatapos ng prayer ay ako na ang susunod kaya umakyat na ako sa stage na off yung light marami ang nagulat pero napalitan iyon ng hiyawan ng tumama sa akin at kay Eon ang spotlight with matching sweet music pa inalalayan niya ako paakyat sa stage siya kasi kanina ang nag lead sa prayer. Sino naman kaya ang may pakana nito.
Tiningnan ko lang si Eon at nag smile ako hindi siya nagsalita at ngumiti lang din ito.

"Good evening everyone specially for the 1st year, thank you for choosing this school in achieving your goals." nagpalakpakan silang lahat.

" Acquintance party is not about showing your gorgeous dresses and fabulous things but also it is the way where you can find new friends and be part of this school, of this institution. I'm not giving you high expectations about this party but I really hope you'll enjoy. Good evening once again, thank you and enjoy."
Naghiyawan sila, mukhang excited na talaga sila kaya hindi ko pinatagal pa.

Bumaba na ako ng stage, linapitan ako ni Eon at mukhang alam ko na kung san niya ako dadalhin wala na yung spotlight sa akin kaya hindi na naka tuon sa akin yung atensyon ng lahat.

They are all wearing white polo expect for Zero. Sinalubong ako ni Zero at hinalikan niya ako sa pisngi.

"You're stunning Val" bulong niya sa akin, siguro kung hindi nakapatay yung ilaw kita nilang namumula ako ang init ng pisngi ko.

"Thank you handsome" pa simple kong sagot at ngumiti lang siya. Inalalayan niya ako paupo katabi sa kanya at kay Eon.

"grabe kanina pa ako nakakating sabihin kay Skynie na ang ganda niya pero syempre dapat si Zero muna yung mauna" patawang sabi ni Eon. Kaya pala ang tahimik niya kanina. Tiningnan ko si Zero at umiwas siya ng tingin, ay guilty. mukhang gusto niya talagang siya yung maunang mag sabi sa akin nun.

"Kaya pala sinabihan niya tayong mag white, para terno sila ni Skynie" sabi ni Vance. Tumawa silang lahat, sayang di ko makikita yung pamumula ng mga tainga niya.

"Ayy baka distorbo lang kami dito sabihin mo lang bro aalis agad kami" nanunuksong sabi ni Kris.

"shut up" napipikong sabi ni Zero at hinawakan niya yung kamay kong nasa ilalim ng mesa.

"Skynie wala ka bang napapansin kay Zero? " tanong ni Liam sa akin. Nagmaangmaangan akong tumingin kay Zero.

"Hmmmm wala" sagot ko kay Liam.
Nagtawanan silang lahat.

"Sayang nag effort pa naman siyang di magpakita sayo kahapon para ma surpresa ka ngayon" sabi ni Aston

"Pano ba yan bro nasayang yung effort mo" nanunuksong sabi ni Eon.
Binitawan ni Zero yung kamay ko at tumayo siya.

"Tsk"

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now