Chapter 30

483 25 2
                                    

Sky's POV,

"Val" mahinang bulong ng isang lalaki sa akin, hinawakan niya yung kamay ko at naramdaman kong may luhang pumatak dun. Sigurado akong si Zero ito.

Dahan dahan kong minulat yung mata ko.

"Val" tawag niya sa akin.

"Val" hinawakan ko yung kaway niya. Nakahinga ng maluwag si Zero at tinawagan niya sila Mom.

"Hey are you okay?" Tanong niya, tumango lang ako. Napakapit ako lalo kay Zero ng pumasok na sila Mom.

Umiiyak na nilapitan ako ni Mom, nahihiya akong tingnan sila. Siguro kong hindi ko nalaman yung totoo baka parang bata na akong umiiyak ngayon. Sorbang kaba kasi yung naramdaman ko, kaba na baka hindi na ako magising, kaba na baka hindi ko na sila makita at kaba na baka pag may nangyaring masama sa akin hindi mapapatawad ni Zero ang sarili niya.

"Queen" nag aaalalang tawag ni Kuya Slight sa akin. Nasasaktan akong tingnan silang lahat. Nagtatampo ako na nahihiya dahil pinag alala ko sila, kahit di ko naman pala sila totoong pamilya.

Sabi ko pa noon ang swerte ko sa pamilya ko kasi mahal na mahal nila ako pero sad to say nakikihati lang pala ako ng atensyon.

Pinilit kong umupo kaya inalalayan ako ni Zero. Tiningnan ko silang lahat, halatang andaming gustong sabihin nila Kuya pero mukhang alam na nilang alam ko na ang totoo.

"I'm sorry" mahina kong sabi at napahagulhol na ako ng iyak.

"Hey Val stop crying" pigil ni Zero sa akin, pero hindi ko talaga kayang pigilan ang hindi maiyak.

"Princess we're very sorry, kung naglihim kami sayo" sabi ni Kuya Light. Tumayo si Zero mukhang bibigyan niya ako ng time para makipag usap sa kanila pero hinawakan ko yung kamay ni.

"Please stay" sabi ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"I'll be back, fix it Val everything will be alright" bulong niya sa akin. Gumaan yung loob ko. Matapos magpaalam ni Zero ay lumabas na siya ng room.

"Sweetie I'm sorry, this is my fault kung sinabi lang namin sayo ang totoo baka hindi to nangyari sayo" paghingi ng tawad ni Mom.

"Baby I'm sorry, this is all my decision" paghingi naman ng tawad ni Dad. Nakayuko lang ako sa kanila.

"I want to know the truth" sabi ko.

"Yes Queen we will explain everything, pero pag nakalabas ka na dito" sagot ni Kuya Slight. Tumango lang ako. Pagtapos non ay pinahiga na nila ako at pinapasok na din nila si Zero.

"Kain ka na Val" yaya ni Zero. Halatang gusto nila Kuya na sila yung magpakain sa akin. Mabuti naman at hinayaan silang lahat na mag stay dito sa room ko.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na si Zero sa akin at nangako siyang babalik siya bukas kasama sila Eon.

"I love you" bulong niya at hinalikan ako sa noo.

***
"Skynie" tawag ni Eon sa akin, yayakapin sana niya ako pero pinigilan siya ni Zero.
"Seloso" nakabusangot na sabi ni Eon. Tinawanan lang siya nila Aston.

"How was your feeling?" tanong ni Aston.  Naka benda pa kasi yung kamay ko.

"Hindi na masyadong masakit yung kamay ko" sagot ko.

"Mabuti naman kung ganon" sabi niya.

Ilang araw na din akong nandito sa hospital. Gusto ko na ngang lumabas pero ayaw nila. Pero baka sa makalawa pwede na. Matapos pumunta nila Zero ay nagsiuwian na agad sila. Gusto kasi ni Zero na mawala na yung awkwardness sa amin nila Kuya nahihiya pa din kasi ako. Gusto ko sanang uminom ng tubig pero hindi ko maabot yung tubig, napalunok muna ako bago magsalita.

"K..kuya pahinging tubig" sabi ko, agad namang nagsitayuan sila Kuya pero naunang kunin ni Kuya Slight ang tubig at agad na inabot sa akin. Inalayan naman ako ni Kuya Light sa pag-upo.

"Thank you" sabi ko.
"Kuya Slight pano na yung shooting mo, tapos Kuya Light diba dapat nasa labas ka na ngayon?" Sabi ko sa kanila.

"Don't mind it, your my priority" napangiti ako sa sagot ni Kuya Slight.

"Tama si Slight you're our priority" sang-ayon ni Kuya Light.

"Pero I'm not your re...."

"Stop saying that Princess, even if we're not blood related you're still our sister." Sabat ni Kuya Light. Kunti nalang maiiyak na ako.

"Thank you" mahina kong sabi pero alam kong natiynig nila yun. Sabay silang tumabi sa akin at inakbayan ako. Nasa kaliwa si Kuya Slight at sa kabila naman si Kuya Light.

"We love you" sabay nilang sabi, yan tuloy naiyak ako.

"Iyakin" saway ni Kuya Slight at ginulo yung buhok ko.

"Hey Kuya stop it" reklamo ko. Natigilan kami ng bumukas yung pinto at pumasok si Mom at Dad. Nakangiti silang pareho.

"Baby where's our hug?" nakangiting sabi ni Dad, agad din naman silang lumapit sa akin at dahan dahan akong niyakap.

***
"Sweetie are you sure you want to know the truth?" Tanong ni Kuya Light sa akin tumango lang, nakauwi na kasi ako kahapon at tulad ng pinangako nila sasabihin na nila sa akin ang totoo at kung anong nangyari sa ate ko.

Excited ako na kinakabahan.

"Ganito kasi yan, Mom and Dad wants to have a baby girl kaya napag isipan nilang pumunta sa orphanage. Unang kita palang ni Mom sayo nagustuhan ka na niya agad kaya ikaw ang napili naming amponin" nakangiting sabi ni Kuya, halatang inaalala niya ang nakaraan.

"Pano yung ate ko?" balita ko kasi ang layo ng agwat ng ate ko sa akin.

"We're not sure, pero nung kukunin ka na sana namin nabalitaan nalang namin patay na ang ate mo" malungkot na sagot niya, pati rin ako nalungkot.

"So bakit niyo nilihim sa akin?" Tanong ko na naman.

"Kasi walang araw na hindi ka umiyak dahil hinahanap mo yung ate mo, hindi naman sa gusto naming kalimutan mo yung ate mo pero kasi muntik ka ng mamatay dahil hindi ka kumakain o kaya umiinom. Kaya dinala ka nila Mom sa Probinsya para malibang, mabuti naman at minsan mo nalang siya hinanap." sagot niya.

"Pasaway ba ako noon?" Tanong ko. Tumango silang lahat.
"Ang daya, niloloko niyo lang ata ako, mas pasaway pa ata sila Kuya noon kesya sa akin" reklamo ko, pero nag tinginan lang sila at sabay na tumawa.

"Kung wala ka ng itatanong pa aakyat na kami sa taas, kanina pa naghihintay si Zero sayo. Na miss ka ata Sweety" pang aasar na sabi ni Mom. Nagblush tuloy ako.

Matapos nilang umakyat sa taas ay pinuntahan ko na agad si Zero sa labas, nasa garden kasi siya.

Nakalikod siya sa akin kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya patalikod.

"Thank you Val" bulong ko, haharap sana siya pero pinigilan ko.

"For what?" tanong niya.

"For your presence, ni minsan hindi mo ako iniwan" sagot ko. This time humarap na talaga siya.

"Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sayo na, I won't leave you unless you want me to" napangiti ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Namula siya.

"Yung lang?" pilya niyang tanong. Pinalo ko siya ng mahina.
"Just kidding, come here" hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Hindi ako mahinga" reklamo ko.

"Val don't make me worry again" bulong niya sa akin.
"Kung pwede lang kitang itali gagawin ko masiguro ko lang ligtas ka" dagdag niya.

"Ang drama mo Val" asar ko sa kanya. Humiwalay siya sa yakap at hinawakan yung dalawa kong kamay.

"I love you" sabi niya.

Now I realize kahit  halos araw araw na niyang sinasabi na mahal niya ako wala paring nagbago, kumakabog parin yung dibdib ko ng sobra.

Walang araw na hindi ko siya minahal, ni minsan hindi yun nabasan kasi sa ngayon mas lalo ko pa siyang minahal.

"Wala man lang bang I lo...." hindi ko na siya pinatapos dahil kusa ko siyang hinalikan. Napangiti siya sa ginawa ko.

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now