Chapter 38

309 15 0
                                    

Abala ang lahat sa pagbabasa ngayon na kasi magsisimula ang Final exam, sa pagkakaalam ko apat yung exam ko ngayon tapos kay Zero ay anim. Kaya sabi niya sa akin na wag ko siyang antayin.

Papasok na sana ako sa classroom ng may biglang humila sa akin. Paglingon ko si Zero lang pala.

"Oh bakit?" Tanong ko. Matagal pa siyang nakasagot, humingihal pa kasi siya halatang tumakbo makapunta lang dito.

"Wish me luck" ngiting sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Sus yun lang pala.

"Diba sabi ko sayo dapat hindi luck kasi matalino ka naman eh, dapat God Bless" sagot ko, I don't know pero mas maganda pakinggan kung God Bless kesa Good luck. Para kasing tinatakot mo yung tao sa salitang Good luck.

"Nope, I don't need your words" nakangiting sabi niya.

"Ano?" Tanong ko. Hindi niya ako  sinagot dahil niyakap na niya agad ako. Yakap lang pala yung gusto.

"Sige na baka malate ka pa sa exam mo" paalam ko sa kanya.

"Bye" sabi niya sabay halik sa pisngi ko tapos tumakbo agad siya,  nagulat ako dun ah. Mukhang wala namang nakakita. Nag wave nalng ako sa kanya nung nasa malayo na siya.

***
"Princess, how's your exam?" Tanong ni Kuya na nasa labilang linya. Nasa Japan kasi siya ngayon para sa opening ng new restaurant niya dun.

"Okay lang po" sagot ko.

"I know you'll nailed it" napangiti ako sa sinabi niya.

"Thank you Kuya" sagot ko. Na end yung call kasi may gagawin pa raw siya. Dahil sa ako palang yung nandito sa bahay naisipan kong mag luto ng fries. Namiss ko lang kumain nun, wala kasi si Kuya dito para lutuan ako.

Nang matapos kong magluto ay agad ko na itong kinain at nanuod ng music video . I miss Exo, sana naman mag comeback na sila. Napatayo ako ng may narinig akong bumusena sa labas. Kaya agad akong lumabas.

Nakita kong kumaway si Zero sa labas. Napangiti ako at lumabas ng bahay. Sinalubong niya ako ng yakap.

"Sino kasama mo dyan?" Tanong niya.

"Sila Manang palang, wala pa sila Dad" sagot ko.

"Ay sige balik nalang ako mamaya pag nandiyan na sila" sagot niya, tumango nalang ako. Papasok na sana siya ng kotse niya ng dumating si Kuya Slight.

"Aalis ka na bro?" Tanong ni Kuya.

"Oo napadaan lang ako, babalik ako mamaya pag nandiyan na sila Tito." Sagot niya.

"Matatagalan pa silang umuwi ngayon, pasok ka na, nandito na naman ako. Tara" sabi ni Kuya at inakbayan si Zero papasok ng bahay. Okay sila na ang close.

***
Makikita sa mga mukha ng mga studyante na masaya sila at sa wakas tapos narin ang exam, samantalang ako na pre-pressure na para sa preparation sa year end party. Tapos malapit na rin yung Anniversary namin ni Zero. Wooaahh daming ganap.

Papunta ako ngayon sa office ni Dean may sasabihin kasi raw siya sa akin. Bubuksan ko na sana yung pinto ng may bumukas sa loob ipang lumabas. Natigilan ako, alam kong malamig pag December na pero bakit pinagpapawisan ako ngayon.

Nag smirk sa akin yung babae.

"Hai we meet again" sabi pa nito, alam kong may kahulugan ang sinabi niya. Sino ba siya? Anong ginagawa niya sa office ni Dean?

"Pasok ka na kanina ka pa niya hinihintay" dagdag niya. Kahit yun lang ang sinabi kinabahan parin ako, same feeling yung naramdaman ko nung unang kita namin sa comfort room. Yung babaeng gustong layuan ko si Zero

"Hey Val what's bothering you?" Tanong ni Zero sa akin habang pauwi kami sa bahay.
"Dahil ba to sa inutos ni Mom?" Dagdag pa niya.

"No Val, napagod lang ako" sagot ko, alam kong hindi siya naniniwala sa sgaot ko pero hindi na siya nagtanong pa.

"Val" tawag niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Aalis kami ni Mom sa Monday, di pa sure kung kailan kami babalik" natigilan ako sa sinabi niya. Hininto niya ang sasakyan at humarap siya sa akin.

"San kayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa US, may pupuntahan si Mom sabi niya kailangan kong sumama. Clueless parin ako kung anong gagawin namin dun." Paliwanag niya sa akin.

"Sa Monday?" Makakabalik na ba kayo niyan sa Anniversary natin? " Tanong ko. Hindi pa siya nakasagot.

"Sisikapin kong makabalik sa araw na yan, promise Val" sabi niya.

"Aasahan ko yan Val, maghihintay ako" napangiti ako siya sa sinabi ko. Bakit parang feeling ko hindi na siya babalik. Ano ba tong iniisip ko.

***
Today is Saturday nag paalam ako sa kanila na pupunta ako ngayon sa presento upang umpisan ang paghahanap sa pumatay sa ate ko. Kailangan kong kausapin ulit yung dalawang lalaking nakulong.

Tulad ng sabi nila mangalap raw ako ng lahat ng mga doctor na on duty yung araw na namatay si Ate, ay pinatay pala.
Mga ilang araw ko rin tung ginawa pasalamat nalang at may koneksyon yung pamilya ko. Kanina pa nila tiningnan lahat ng profile ng mga doctor pero hindi parin nila mahanap yung hinahanap nila.

"Wala talaga? Sigurado kayo?" Tanong ko sa kanila, sabay siyang tumango.

"Baka kulang pa yang nakalap niyo, wala talaga diyan yung hinahanap namin" sagot nung isa.

"Hindi eh, sigurado akong yan na lahat" sagot ko naman.

"Sa naaalala ko parang foreigner ito, baka hindi yun taga rito" sabi nito.

Sa sinabi niyang iyon mukhang mahihirapan na akong hanapin yung taong yun, sana man lang alam nila yung pangalan. Nagpaalam na ako sa kanila at naisipan kong umuwi nalang sa bahay.

"Sweetie may delivery ka diyan" sabi ni Mom. Delivery? Wala naman akong inorder ahh. Kaya agad ko itong kinuha at binuksan ito sa kwarto ko.

Pagbukas ko, tanging nag iisang litrato lang ang laman ng box. Sino ba to? Agad akong napatayo ng mabasa ko ang nakasulat sa likod nito. "Dr. Francis Collin"

" Mom labas lang muna ako, babalik agad ako" paalam ko sa kanila. Kailangan kong pumunta agad sa presento upang ipakita ito, baka ito na yung hinahanap ko.

"oo tama ka siya nga" sagot nito, para akong nabunutan ng tinik sa wakas nahanap ko na rin siya.

Tiningnan ko ulit yung litrato, medyu familiar siya sa akin. San ko nga ba ito nakita? Mukhang na meet ko na siya noon pero di akong sure.

Kunting tiis nalang mabibigyan ko na rin ng hustisya ang pagkamatay ng ate ko. Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang doctor na to. Kunti nalng talaga at malalaman ko na rin kung bakit niya pinapatay si ate.

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now