EPILOGUE

28.9K 461 82
                                    

what are you doing here? bawal sumilip kung anong magiging ending. bumalik ka kung saang chapter ka galing and I assure you that reading every chapter of this story will be worth it.

























EPILOGUE
First of all, thank you sainyo ( my treasures ) for supporting me. Hindi ko magagawa ang story na ito kung walang nagpu-push sakin. I can't believe it. 4 months ko lang sinulat ang story ng dalawang ito at umabot pa sa ganitong kataas na chapter. The Billionaire Series is coming soon, medyo nagwo-worry lang ako baka hindi maging successful.

———

"SHUT THE FUCK UP!" Napaigtad ako nang marinig ko ang murang 'yon. Panglalaki ang boses na 'yon kaya sigurado akong hindi 'yon isa sa mga prinsesa ko at hindi din sa hari ko kung hindi isa sa mga prinsepe ko! Bakit naman nagmumura ito?

"Bakit ba?! Date lang naman!" Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses babae. May nag-aaway na naman sa mga anak ko. Ewan ko ba kung bakit mukhang naging abnormal na ang ugali nila. Mana siguro sa ama nila.

"Eirene, making ka na lang kay Kuya. Hindi ka pwedeng makipag-date. Ni-wala ka pa nga sa 20, do you think we would let you?" Boses 'yon ng isa kong prinsepe.

"Why would I obey him? At isa pa, anong Eirene? Where's the 'Ate'?! Ako ang ate mo kaya magsabi ka ng 'Ate', pepektusan kita." I rolled my eyes. Ibang klase itong babae ko. Asan na ba kasi si Dereck?!

"Hindi ka makikipag date, Eirene Flair. Ako ang kuya dito kaya ako ang masusunod. Stay here or I will suggest to Dad nai-grounded ka." Ma-otoridad na boses ng panganay ko. May narinig akong yabag at kasunod no'n ang boses ng bunso namin.

"Where are you going, Kuya? You wouldn't let Ate Eirene to go on a date pero ikaw lalabas? It seems like you're being unfair." Jusko. Lalong mapipikon nito si Spiro dahil sumabat pa si Eirlys.

"Tss. Just like what I've said, I'm the eldest kaya ako ang masusunod. You're not going on a date, Eirene." Sambit ni Spiro. Kanina pa sila nagtatalo living room habang ako ay nasa kitchen dahil nagluluto.

"But, Kuya! That's my," Narinig ko na ang pagkabasag ng boses ni Eirene. "That's my crush." Bigla kong narinig ang paghikbi nito.

"OMG! Look what you have done, Kuya! You just made ate cry." Sambit ni Eirlys.

Hininaan ko ang apoy ng niluluto ko at pumuntang living room. Nakaupo si Arien sa sofa at pinapanood ang pagpapaawa ni Eirene habang yakap ito ng bunso naming si Eirlys. Nang tignan ko si Spiro ay mukhang nahuhulog na ito sa bitag ni Eirene dahil naaawa na ito. Mahina talaga itong si Spiro pagdating sa mga kapatid niya.

"What's happening here?" Bumaling ang tingin namin kay Dereck na humahawi pa ng buhok pababa sa hagdan. Feeling naman niya ang gwapo niya pag gumaganon siya.

"She wants to go on a date, Dad." Sambit ni Arien. Mukhang nainis si Dereck nang makita niyang umiiyak si Eirene. Hindi naman siya bias pero ayaw niya lang talagang umiiyak ang baby namin.

"Date with whom?"

"With her crush." Sabi ni Eirlys. Pinapanood ko lang silang lima. Babatukan ko silang lahat mamaya.

"Eirene, how many times do I have to tell you that you can't go on a date? You're just 16. No date, Princess." Mas naiyak si Eirene sa sinabi ni Dereck. Napangiwi tuloy ako. Kahit si Spiro ay hindi na alam ang gagawin.

"B-but, Dad. That's m-my crush." Sumimangot si Dereck at mukhang nababadtrip na.

"Eirene." Natahimik ito dahil sa nakakatakot na boses ni Dereck kaya sumabat na ako dahil ayokong pinagtataasan niya ng boses ang mga anak namin.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Where stories live. Discover now