CHAPTER 8

26.9K 504 37
                                    

CHAPTER 8
 

BRIANNA

          KAGAYA NG SINABI ni Dereck kanina na dito daw ako sakanya mag-stay ngayon. Hindi ko alam kung anong iniisip niya dahil feeling ko iniiwasan niya ako.

Ano bang problema nito?

Sapukin ko na kaya?

"Ang lalim ng iniisip mo." Komento ko dahil kanina pa siya nakaupo sa couch at tulala sa TV. Nang tignan ko ay cartoons ang pinapanood. Mahilig pala siya sa cartoons?

Hindi pa din siya nagsasalita. Naka-shabu ba 'to? Ang creepy ha. Ganito pala epekto ng shabu, nakakatulala.

"Hindi mo naman sinabi na nag-aadik ka na." Sagot ko habang umiinom ng chocolate. Parang nagising naman ito at masamang tumingin sakin.

"Hindi ako adik." Iniwas niya ang tingin niya nang mag ring ang cellphone niya. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Ngumuso ako para maiwasang matawa.

Ilang saglit pa ay bumalik na siya at mukhang problemado. Problema nito?

Hinalungkat niya ang pinamili namin at kumuha ng parehas na damit at inabot sakin.

"Aanhin ko 'to?" Tinignan ko ang damit. Isang dress.

"Kainin mo." Sinamaan ko siya ng tingin. Siraulong 'to.

"Ayoko nga. Ikaw muna baka sakaling magbago isip ko." Muntik ko na maibato yung damit sa mukha niya buti na lang napigilan ko ang sarili ko.

"Tss. Magbihis ka." Humilata na naman ito sa couch.

"Bakit? Mukha ba akong nakahubad? Nakabihis naman ako ah." Maganda dress na napili niya.

"Daming satsat," Tumayo at lumapit siya sakin. "Dadating ang abogado ko. Gusto niya makilala ang magiging nanay ng anak ko kaya kailangan mong maging komportable tignan." Napalunok ako sa lapit namin. "O baka naman gusto mong ako pa mag-bihis sayo?" Hinawi niya ako papalapit sakanya.

"H-ha?" Nauulol na ata ako dahil sa labi niyang ilang pulgada na lang ang layo sakin.

"Ako na lang magbibihis sayo." Para akong tangang tumango. "Good. Let's go." Hinila niya ako kaya nagising ako.

"Ha? Saan?"

"Sa CR, bibihisan kita." Nanlaki ang mata ko. Siraulong to!

"Ayoko nga! Ako na lang!" Patakbo akong pumasok sa CR. Lintek talaga.

Pagkatapos kong mag bihis ay dahan dahan akong lumabas. Ewan ko ba. Nilagay ko sa paper bag ang pinagbihisan ko at umarteng walang nangyari.

Nararamdaman ko ang pagtitig niya sakin habang gumagalaw ako sa loob ng kwarto niyang mas malaki pa sa apartment ko.

Biglang nag vibrate ang phone ko.

From : Paul.

Hi, Brie! Kamusta? Nakakamiss ka dito :((

Napangisi ako. Parang ang tagal ko namang nawala.

To : Paul

Arte mo. Papasok ako sa isang araw. Day off ko kasi diba?

Hindi ko na nabasa ang bagong reply niya dahil may umagaw sakin no'n.

"Bakit? Makiki-text ka?" Ibang klase. Ang yaman yaman pero walang load.

Hindi niya ako pinansin at sa halip at kinalikot niya ang cellphone ko at sarcastic na ngumisi.

"Ibang klase. Boyfriend mo? Ito ba ang plano mo? Pag napunta sayo ang anak natin siya ang ipapakilala mong ama? Bakit? Baog ba 'tong Paul?" Kumunot ang noo ko.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon