CHAPTER 40

21.6K 403 33
                                    

CHAPTER 40

BRIANNA

“I'M SORRY, BABE. Babawi ako next time sainyo ni Spiro.” Tumango lang ako. “Hey, are you mad?”

“Nope. Gets ko naman na may kailangan ka ring gawin. Text me if you need me, hmm?” Ngumisi siya.

“I'm really lucky to have you. I'll go now. Enjoy your day with Spiro. Careful, okay?” Ngumiti ako at tumango. Yumakap siya sakin at nagpaalam na kay Spiro. Binalikan niya pa ako para halikan bago siya umalis.

“Ingat.”

Nang makaalis siya ay hinila ko si Spiro papunta sa isang cottage. Ito ang nirentahan ko dahil nandito na kami sa tabing dagat. May bahagi rito na malalaki ang alon pero meron ding maliliit lang kaya doon ko dadalhin si Spiro.

“Anong bilin ni mommy?” Tanong ko habang binibihisan siya.

“'Wag lalayo kay mommy, wave my hand if something happen, mag-iingat, at 'wag pasaway.” Ngumiti ako at kiniss siya sa pisngi.

“You excited?” Sunod sunod siyang tumango.

“Yes, nommy! I'm ready to use my surfing board!” Sabay angat niya ng kulay blue na surfing board. Sinuot ko ang life jacket sakanya.

“Mag bibihis lang si Mommy. Dito ka lang, okay?” Tumango siya.

Kinuha ko na ang one piece at cycling na dala ko at pumunta sa restroom. Mabilisan akong naglagay ng sunblock at nagbihis. Tinali ko rin ang buhok ko.

Pagbalik ko kay Spiro ay mukhang naiinip na siya kaya natawa ako. Attitude din ang batang 'to. Kinuha ko ang surfing board ko na kulay red and black.

Hawak hawak ko ang kamay ni Spiro habang naglalakad kami papunta sa dagat. Naglililikot na si Spiro at parang mas gustong mag swimming kesa mag-surf.

“Mom, can I swim first?” See?

“Oo naman. Basta 'wag lalayo okay?” Tumango siya at nagtampisaw na sa dagat.

Lumayo ako ng konti sakanya dahil magsu-surf ako. Stress reliever ko ang pagsu-surf. Nakabalanse ang bawat galaw ko dahil ayoko naman matumba, 'no. Masakit sa mata. Hapon na rin kaya hindi na masakit sa balat ang araw.

Nilingon ko si Spiro na tuwang tuwa na nakikipag laro sa alon. Nag-focus ako sa ginagawa ko hanggang sa hindi ko namalayan ang oras. Sampung minuto na ata akong nagsu-surf na hindi nililingon si Spiro.

Nang lingunin ko si Spiro ay gano'n na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil hindi ko siya makita.

Napalunok ako at nagmamadaling bumalik sa mababaw na bahagi ng dagat. Tinusok ko ang surfing board sa buhangin at nagsimulang hanapin si Spiro.

“Spiro?” Nilibot ko ang tingin ko pero hindi ko siya makita.

Oh, God.

“Spiro?! Asan ka ba?” Nag-uumpisa na akong kabahan. “Anak! Where are you?” Nakalayo na ako doon pero hindi ko pa din siya makita.

Alam kong wala siya sa dagat dahil kung nandon siya ay malamang lumulutang lang 'yon dahil sa life vest.

Lumipas ang limang minuto na naghahanap ako sakanya pero hindi ko talaga siya makita. Naiiyak na ako. Gusto kong tawagan si Diego pero ano namang maitutulong no'n. Wala naman siyang alam na nawawala sa Spiro.

“Spiro Gray! Isa! Hindi na ako natutuwa.” Alam kong kapag gano'n ang tono ko ay matatakot na siya.

“Spiro! Nasaan ka ba?!” Nangilid ang luha ko.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Where stories live. Discover now