CHAPTER 48

18.7K 323 46
                                    

CHAPTER 48

BRIANNA

    MAHIGPIT ANG HAWAK ko sa bouquet. It's my wedding day already pero hindi tumatawag si Dereck o kahit si Diego. Kasama ko si Spiro ngayon sa sasakyan.

Papunta na kami sa resort para sa kasal namin ni Diego. Ang ganda ganda ko ngayon. Light lang ang makeup ko dahil ayoko ng masyadong makapal.

“You okay, baby?” Tanong ko kay Spiro na nasa gilid ko. Tahimik lang kasi siya. Kanina ko pa siya nabati ng happy birthday.

“Yes, mommy. You? Are you okay?” Tipid akong ngumiti at hindi na siya sinagot. Ayokong mag sinungaling sakanya dahil talaga namang hindi ako okay.

“Can you call your daddy?” Tanong ko at inabot sakanya ang cellphone ko.

I can feel my hands trembling. Hindi ko mawari ang dapat na gawin. Kanina pagkagising ko, may mga dumating na agad para ayusan ako. Hindi man lang ako nakakibo.

I don't know kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Diego isn't answering my calls since last night at maging kanina rin. Sa huling pagkakataon sana, gusto kong kausapin siya.

“He's not answering his phone, mom.”

Tumigil kami sa harap ng resort pero hindi muna kami pinababa kaya nagtaka ako. Bakit kaya? Actually, late na ako ng 10 minutes kaya dapat ay nagmamadali na kami pero hindi pa rin ako pinapababa.

Biglang lumapit sa sasakyan namin ang receptionist at pumasok sa passenger seat.

“Anong nangyayari? Bakit hindi pa ako pinapapasok?” Takang tanong ko sa babae.

“Ah... Kasi, Ma'am, wala pa po yung groom.” Nanlaki ang mata ko.

What?! Wala pa si Diego?! Hindi kaya nakidnap 'yon. Bakit hindi siya sisipot sa mismong kasal namin?! Pinaglololoko ba ako no'n? It's not like gusto kong matuloy ito. Nagtataka lang ako!

“Ha? Bakit? Sinubukan niyo na bang tawagan?” Nag-aalalang tanong ko. Na-istress ako sa mga nangyayari ngayon.

“Opo, Ma'am pero hindi po siya sumasagot.” Kinagat ko ang labi ko. Diyos ko. Baka mamaya maling resort ang napuntahan no'n? Pero imposible dahil siya pa ang laging pumupunta rito.

“Nasaan na kaya 'yon.” Tinignan ko si Spiro na mukhang nag-aalala rin.

“Where's tito Deigo, mommy?”

“Hindi ko rin alam, baby.” Bigla akong kinabahan. Baka mamaya ay may nangyari nang masama roon.

Parang kagabi lang ay sabi niya magkita kami sa araw ng kasal namin pero bakit wala siya ngayon? Don't tell me hindi niya ako sisiputin dito?

“Maghintay pa tayo.” Sabi ko.

Naghintay pa kami ng sampung minuto pero walang dumating. Asan na ba siya?! Nag-aalala na ako ng sobra.

“Baby, where's my phone?” Inabot niya sakin ang cellphone ko.

Dinial ko ang number niya pero hindi siya sumasagot. Naka anim na tawag ako at muntik na akong sumuko nang tumawag siya.

Parang nabuhayan ang loob ko dahil tumawag siya kaya hindi ko mapigilang mapangiti at the same time ay kabahan.

[“Brianna.”] Malalim ang boses niya kaya mas kinabahan ako.

“Hello? D-diego, nasan ka na ba? Traffic ba?” Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko.

[“I'm sorry, Brianna,”] Nahugot ko ang sariling hininga.

“A-ano? Ano bang sinasabi mo? P-pumunta ka na rito. Naghihintay na yung mga bisita.” Alam kong medyo madami siyang inimbitahan.

[“Really?”]

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Where stories live. Discover now