Chapter 28: Madness

15K 108 2
                                    

A/N: Nathan>>>>>>>

Devon's POV

Parang ganitong ganito ang nangyari nun huli naming away ni Nathan.. Pagpasok na pagpasok sa condo, pabalandrang binagsak nya ang halos magiba ng pinto.

"Can you please explain this?" Galit na galit nitong sabi habang hawak ang cellphone nya. Nagtatakang kinuha ko naman iyon.

Nanlaki ang mata ko. Paanong..

Kahit yata sino mali ang iisipin sa pictures na nasa kanya.. Nanginginig ang kamay na tiningnan ko ang magkakasunod na kuha.. Nanlalamig pati talampakan ko..

Kami ni Mart magkausap sa bookstore.. Yun yung kadadating lang nya. Sumunod kami ni Mart sa resto na nakahawak sa kamay ko.. Yung sinabi nya na nagbibiro lang sya. At ang huli. Kami ni Mart na nakatitig sa isa't isa habang nakangiti.. Yun yung nagbiro si Serena..

Kahit wala ako ginawang masama, napakahirap ng sitwasyon ko ngayon. Lalo pa galit na galit na naman si Nathan.

"Nate.. Let me explain.." Kandabulol kong sabi.

"No! You won't talk your way out of this Alena! Not again!" Gigil na gigil ito na parang gustong manuntok.

My Vengeful Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon