Chapter 52: Fix me

16.6K 119 2
                                    

A/N: Please play the music on the right>>>>>>

Devon's POV

After ng swimming, everyday na kami magkasama ni Mart. Mainam na din siguro dahil nag- eenjoy naman ako sa company nya. Bihira na lang ako nagpupunta sa mga bars. Hindi ako hinahayaan ni Mart pumunta mag- isa pag sakaling maisipan ko.

Minsan nga iniisip ko, talagang pinapagod ako ni Mart maghapon para di ko na kayanin mag- bar sa gabi. Mahilig kasi sya mag- aya maglibot. Roadtrip.. Punta kung saan saang mall.

Ang one month na bakasyon nga nya na- extend.. Ayaw nya sabihin sakin kung kailan ang balik nya ng Canada.. Di na lang din ako nangulit. Ayaw ko pa naman din sya umalis. Napakalaki kasi ng naitutulong nya sakin.

Lalo pa wala na naman sila mama. Super busy na naman. Miss na miss ko na nga sila. Si Serena at Vienne naman bihira namin makasama. Naging busy sa wedding preparations nila.

Kaya kung wala si Mart? Sa malamang lang na pakiramdam ko nag- iisa na naman ako.. At gaya ng sinabi nya, araw araw nga nya ko pinapatawa. Walang dull moment. Puro fun times lang. ^__^

Si Nathan?.. Ang huli ko balita kay Mommy Ely.. May tinanggap na two months meeting/ conference sa Singapore. Ayaw daw nun una pero sa kanya nakasalalay ang company nila eh. No choice sya. May tumatawag sakin every night pero di ko sinasagot. Alam ko naman kasi na sya lang yun.

Yung annulment namin naka- file na.. Sila mama na ang pinakausap ko kila Mommy Ely. May pirma naman na talaga ni Nathan yun nung una pa. 

My Vengeful Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon