Chapter 12: Present day

16.4K 135 2
                                    

A/N: Devon on the right.. Inip na inip at sungit na sungit kay Nathan. lol. >>>>>>>

Devon's POV

Ang buong akala ko sa mansion kami nila Nathan maninirahan after ng honeymoon. Medyo malakas pa ang loob ko kasi alam ko andun si Mommy Ely. Pero mali pala ako, kahit anong tutol ng parents nya, sa condo nya ako dinala. Sila mama naman nag- concede na lang. Sabi nga nila iba na ang buhay ko ngayon. Dapat inilalaan ko na sa asawa ko..

Hay salamat! Natapos din akong buksan lahat ng regalo namin nung kasal. Ako lang kasi ang nagbukas. Naiirita lang si Nathan at nakatambak sa condo yun mga box. Kaya eto ako ngayon, matapos i- arrange yun mga gamit na natanggap namin, pinaglulupi ko yung mga box at ibinaba ko katulong yun guard.

Ayan malinis na! :) hindi naman na siguro sisimangot si Nathan pag uwi nya mamaya. Busy naman kasi yun sa office ni hindi na nga kami nagkikita. Engineer kasi sya. minsan nasa field, minsan pakat sa office.. 7.30 am wala na sya dito, tapos ang dating nya pinakamaaga na yung 9 pm. Parang ayaw lang ako makita. Hmm.. Hindi pala parang.. Ayaw nya talaga..

Parang nun honeymoon namin.. Nasa hotel lang ako buong isang linggo. Sya naman palagi umaalis. Daig pa pumapasok sa trabaho. Ni hindi ako kinakausap.. Sa couch pa natutulog. Ni ayaw madikit sakin. Aish.

Rinnnnggggg......

Serena calling......

"Hello?"

"Beszzzzz!!!!!"

Nailayo ko pa ang phone sa tenga ko sa lakas ng tili ni Serena.

My Vengeful Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon