Chapter 53: Remote

13.4K 113 3
                                    

A/N: Remote lol>>>>

Devon's POV

Tahimik lang kami ni Mart sa byahe pauwi. Mugto ang mata ko kakaiyak pero magaan ang pakiramdam ko. Unti unti sisimulan ko ng kalimutan ang nakaraan. Hindi pa naman huli para mag- umpisa ulit..

Nang nasa tapat na ko ng building ko, bababa na sana ako pero muli kong binalingan si Mart. Niyakap ko sya ng mahigpit. "Thank you." Bulong ko sa kanya. Tsaka nakangiting humiwalay. "Napagaan mo na naman ang loob ko.."

Nakangiti na din si Mart,"Wala yun Devon, alam mo naman basta ikaw.. Pano sige na matulog ka na.. Baka lalo pa mamugto yan mata mo sa puyat.." Marahang taboy nito sakin.

"O sige good night Mart.." Tsaka bumaba ng sasakyan nya. Kumaway pa ako bago tumalikod. Pero napalingon ulit dahil..

"Dev!.." Pasigaw na sabi ni Mart. "Tawagan kita bukas ha. Good night!.." Tsaka kumaway din sakin.

Marahang tango lang ang naisagot ko tsaka dumiretso na sa elevator. Di ko mapigilan na di mapangiti habang naglalakad. Ang sweet pa din talaga ni Mart. Ngayon ko naalala bakit ako na- inlove sa kanya nuon.

Pagdating ko sa unit ko, nagpalit lang ako ng pangtulog tsaka nagpahinga na. Inuulit ko sa isip ko lahat ng nangyari kanina.. Mula sa pagdidiwara ko hanggang sa effort ni Mart na isurprise ako.. Tapos yun pagkanta nya.. Napangiti ulit ako hanggang sa makatulog na.

My Vengeful Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon