Chapter 13: Devoted wife

17.4K 134 8
                                    

A/N: Nathan >>>>>>

Devon's POV

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng kalabog sa labas. Binuksan ko ang night stand at tiningnan ang orasan sa tabi ko. 5am!!! Alas singko na pala! Kailangan ko na magluto mg breakfast!

Agad agad akong bumangon, naghilamos, nag toothbrush at dumiretso sa kitchen. Nakita ko si Nathan na nakadukdok sa dining table. Halatang nakainom.

"Nate.." Yugyog ko sa kanya. "Sa kwarto ka na magpahinga.. Kadadating mo lang ba.."






Tumingala sya sakin at tiningnan ako ng masama. "Dun ka, ayaw kita makita." Tsaka dumukdok ulit.

Di ko sya pinansin at nagsimulang magluto ng agahan. Sa gilid ng mata ko nakita kong tumayo si Nathan at dumiretso sa sala. Nahiga sa couch. Aish. Hirap pag ganung may hang over. Iiling iling na isip ko habang tinatapos lutuin ang fried rice, ham and egg na favorite namin dati. Nangingiti pa ko habang iniisip yun. Pinagtimpla ko nadin sya ng mainit na kape para mahimasmasan naman sya.

Nang makapaghain ako, tinawag ko na sya. "Nate, kumain ka muna para mahimasmasan ka.."






No response.

Ang ginawa ko nagpunta ko sa kwarto nya at hinanda na ang isusuot nya para sa araw nayun. Pinagteterno terno ko pa at sinisiguradong plantsado at nakaayos ang lahat.

My Vengeful Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon