WYBHBM ~~ Chapter 13

303K 3K 278
                                    

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

HEIRA POV


"hay. Success !" hingal na hingal akong umupo sa bench. Grabe. Wait. . . Hihinga lang ako.


Inhale. . .


Exhale. . .


Inhale. . .

Exhale. . .


Okay na ! ^_^


Kung nagtataka kayo kung bakit ako hinihingal. . .well, pumunta lang naman ako ng rooftop ng building namin sa lagay kong to. Hagdan ang ginamit ko para walang makapansin. Kung makikita nyo lang akong umaakyat kanina malamang namatay na kayo sa kakatawa. Kung maglakad ako, para kong bagong tuli. Medyo masakit pa din kasi tong paa ko. Ay hindi. Di lang pala medyo. Masakit talaga sya. T_T


Isang floor na lang naman rooftop na. Sobrang kupad ko nga lang. Daig ko pa pagong.


Dito sa taas, sobrang lawak ng AAA. Wow! Para kong nasa ibang bansa. Di ko akalaing makakapasok ako sa ganito ka-exclusive na school. Mula dito may natatanaw akong iba pang building. Masmatataas. Alam kong sakop pa din yon ng AAA. Kinwento saken ni Rei. Buti na lang naisipan kong umakyat dito.


Breaktime na namin.Dugu-dugo ang utak ko sa trigo. Gusto kong isumpa lahat ng mathematician.

Anyway, hindi alam nila Anne at Rei na pumunta ako dito. Walang nakakaalam. Sigurado naman kasi akong di nila ko papayagan. Para ngang gusto na nila kong itali sa upuan ko pasa di ako makatayo . Nag-aalala kasi sila na baka lumala ang lagay ng paa ko. E makulit ako. Tsktsk. Naisahan ko sila. Saka ang boring boring kaya sa room. Wala na kong ibang makausap ng bumaba sila sa cafeteria . Bibilhan na lang daw nila ko ng pagkain. Sinamantala ko yun para pumunta dito. Sure ako, pinaghahanap na nila ko ngayon.


Nakakarelax dito. Ang sarap ng hangin. Fresh na fresh. Tumayo ako at nagpunta sa isa pang pinto. Sa tingin ko , fire exit to . Malayo dun sa pinasukan kong pinto kanina. Mas kita ko ang view . Masmaganda. Walang bench kaya sa lapag na lang ako umupo at sumandal sa pader.


"haay. Sarap ng hangin." siguradong mas ma-e-enjoy ko to kung may kasama ako. Si Papa . . .kamusta na kaya sya sa Austsalia? Naaalagaan kaya sya ng mabuti don ? Nami-miss ko na sya. 


Waaaa ! Senti mode ako. T_T Eto ang ayaw ko sa sarili ko e.Kapag mag-isa na lang ako, ang dami kong naaalala. Mostly, yung mga nakakalungkot pa. Ano ba yan. Ang ganda ganda ng view tas magda-drama lang ako ? Muntanga naman.

Meron pang isang taong sumiksik sa isip ko. Si Xandrei. Isa pa yon. Nakakatampo. Di man lang nya sinabi kung saan sya pupunta. Magkasama kaya sila ni Kara? Ohmygeeed. T_T sakeeet.

Natigil ang pag-e-emote ko ng marinig kong yabag. May mga bagong dating. Napasilip ako. Ganon na lang ang gulat ko ng makita ko si Anne at Cyfer na magkasama. Ohmygeeeee ulit ! o.o bakit sila magkasama pumunta dito ?


"hey. . ." si Anne yung nagsalita. Sumiksik ako sa gilid kahit alam kong imposible nila akong makita dahil nasa pintuan pa din sila.


"you don't need to worry. I'm fine. Sinabi ko na sa sulat di ba ?" kung di ko lang nakita si Cyfer kanina, mapagkakamalan kong ibang tao ang kausap ni Anne. Ibang-iba ang tono ng boses nito ngayon kesa sa Cyfer na nakabunggo ko kanina. His voice is getle pagdating kay Anne. Nanibago ako. Di ko mapigilang sumilip ulit.

Will you be his BABY . . .MAKER ?Where stories live. Discover now