WYBHBM ~~ Chapter 55 part 1

179K 1.6K 263
                                    

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

READ BEFORE YOU VOTE :)

HEIRA POV

One week na ang nakalipas nang mangyari ang Prom.

One week. . .

One week na pala. Ang bilis ng araw. Hindi ko nga masyadong namalayan. Parang isang araw lang ang nakalipas. Paulit-ulit lang din kasi ang nangyayari sa akin.

Alam nyo ba ang pakiramdam ng 'malamig na distansya'? Malamig na pakikitungo at parang may pader na nakaharang sa inyo ng taong mahal mo.

Mahal ko.

Si Xan.

Ayoko pa ngang aminin sa sarili ko na inilalayo ni Xan ang sarili nya saken.

Ayoko kasing isipin na may problema na naman kami. Sa totoo lang,wala akong alam na may mali saming dalawa.

Naramdaman ko na lang. . .

Naramdaman ko na lang na sa bawat paglapit ko sa kanya bigla syang lalayo, aalis at magdadahilan na madami syang kailangn tapusin na trabaho.

Masakit.

Sinong hindi masasaktan sa tahasang rejection?

Manhid lang ang di nakakaramdam ng sakit. At hindi ako manhid.

Lalo akong nasasaktan sa tuwing maiisip ko na lalong lumalaki ang agwat sa pagitan namin ni Xandrei.

May mali ba akong nagawa para maging ganon sya saken?

Mga blankong tingin. Nakikita ko ang gantong klase ng tingin sa dalawang tao lamang.

Kay Xan at kay Cyfer.

Nung una akala ko wala lang kaya binalewala ko pero sa bawat pagkakataon na magkakasalubong sila, malamig na titigan ang ibubungad nila sa isa't-isa. Malamig at blanko.

Walang emosyon pero parang may nais iparating .

Nag-away ba sila? Tungkol saan naman? Hanggang kailan sila magiging ganyan sa isa't-isa?

Hindi masabing damdamin. Lahat ng gusto kong itanong at sabihin ay naipon lang. Hindi ko man lang magawang ilabas.

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon