WYBHBM ~~ Chapter 68

165K 1.8K 252
                                    


HEIRA POV


"smile,babe. Look at the cam." natatawa ako sa ginagawa ni Xandrei. May hawak syang videocam tapos vinivideohan ako. Kanina ko pa nga iniiwas ang mukha ko dahil nahihiya ako pero nagagalit sya kapag ganun kaya hinayaan ko na lang sya. Para kaming mga baliw na kanina pa ngiti ng ngiti at tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa. Masaya lang talaga kami ngayon.


"say hi,babe."


"hi!" tapos tumawa na naman kami. Seriously? Siguro nga nababaliw na talaga kaming dalawa. Baliw na baliw sa isa't-isa.


Naglakad-lakad kami sa tabing dagat. Pangalawang araw na namin dito.Sayang nga,bukas uuwi agad kami. Parang ayoko na ngang umuwi.Gusto ko dito na lang tumira.Tahimik at parang wala kaming poproblemahin.


Pero hindi naman pwedeng hindi harapan ang mga problema sa tunay naming mundo.Ang kailangan lang naming i-prioritize sa araw na 'to, ma-enjoy ang bawat segundo,minuto, oras at araw sa piling ng isa't-isa.


Nagpupulot ako ng mga shells tapos sya hawak pa din ang videocam.


Bumuo ng salitang 'I love you,Xandrei' gamit ang mga napulot kong shells.


Then,tumingin ako sa kanya at ngumiti. He smiled back.


Lumapit sya at kinuha ang patpat na naaabot na ng mga mumunting alon


Nagsulat sya sa buhangin ng 'Xandrei and Heira Forever'


Cheesy.Hindi ko maiwasang matawa at the same time,kiligin.


"akala ko 'I love you too' ang isusulat mo,eh." natatawang sabi ko.


"I don't have to write it.Masgusto ko pang sabihin ng paulit-ulit hanggang sa magsawa ka."


"paano pag di ako nagsawa?"


"e di masmaganda."


"paano pag ikaw ang nagsawa?"


"hindi mangyayari yon.Wanna bet?"


"anong bet?"


"ang unang magsasawa,babalik sa lugar na 'to."


"e nasaan ang thrill non?" nagtatakang tanong ko.


"kailangang isa-isahin nya ang magagandang alaala na nabuo sa islang 'to." nakangiting sabi nya. "memories are generally coupled with infirm judgement.It brings regret and guilt.Malay mo,yung unang magsasawa ang magmamakaawa na ibalik ang iniwan nya."


"ang lalim naman non! Nalunod na ata ako." biro ko.


Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon