WYBHBM ~~ Chapter 62

174K 1.8K 198
                                    

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

READ BEFORE YOU VOTE

-

HEIRA POV

Napaluhod ako sa gilid ng kama ng maramdaman ang matinding sakit sa aking tiyan kasabay nun ang impit na daing.

Ilang araw ko na 'tong nararamdaman. Ilang araw ko na din itong tinitiis at dumadating sa punto na halos mawalan na ako ng malay. Minsan mabilis na nawawala ngunit kadalasan tumatagal ng ilang minuto ang sakit.

Halos gapangin ko na ang kinalalagyan ng bag ko. Kailangan ko ng gamot. . .

Hirap na hirap at halos mangiyak na ako. Parang may umiipit sa mga kalamnan ko.

Agad kong ininom ang isang tableta ng makapa ko ang gamot sa loob ng bag ko. Isiniksik ko ang sarili ko sa sulok at hinintay mawala ang sakit.

Sakit na hindi ko alam kung ano bang sanhi. Natatakot akong malaman kung may karamdaman na ba ako. Ayokong pumunta sa doctor. Hindi ko na din ito sinabi kahit kanino. Kahit kay Xan.

Hangga't kaya kong tiisin,hindi ko sya aabalahin.

Paglipas ng ilang minuto, nawala ang sakit. Hindi ko na maalala pa kung ano ang eksaktong araw kung kailan nagsimula ang sakit ko na ito. Inamin ko na sa sarili ko na nagdadala ito ng kakaibang takot sa akin. Pumapasok din sa isip ko na baka delayed lang ang period ko at sign lang 'to na malapit na ang due ko. Pero dati naman hindi ako ganto. Yun ang labis kong ipinagtataka.

May kumatok sa pinto at sumilip si Xan. Nangunot ang noo nya ng makita nya akong nakisiksik sa gilid ng kama.

"Heira? Bakit anjan ka?"

"w-wala. Ano lang ahh, m-masakit lang ang puson ko." agad kong tinago sa ilalim ng kama ang gamot. Ayokong malaman nya na may sakit ako.

"why? What happened?" lumapit sya at lumuhod sa harap ko. "may sakit ka na naman ba?"

Marahas akong umiling. "w-wala! Ano lang , I have my period." namula ata ang buong mukha ko.

"does it hurt?" nag-aalalang tanong nya.

"hindi naman." umiwas na lang ako ng tingin. Bakit ba kasi kailangang madatnan nya pa ako sa gantong lagay.

He tsk then carry me to bed.

"stay there. Babalik ako." nagmamadali syang lumabas ng pinto. Naiwan akong nagtataka. Anong gagawin nya?

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon