WYBHBM ~~ Chapter 70 part 2

169K 2.5K 456
                                    


HEIRA POV


"I'm going now." may pagaalangan pang sabi ni Cy.


"mag-iingat ka. . ."


"sigurado ka ba sa gagawin mo?"


Tumango ako.


"Ilang oras na lang naman ang hihintayin ko para makasakay ng eroplano."


"nag-aalala ako sa gagawin mo,Heira. Kung gusto mo sasamahan kita-"


"no,kaya ko 'to. Kakayanin ko 'to." ngumiti ako to give him assurance.


"Paano kung di naman talaga sila ang pamilya mo? I mean baka coincidence lang lahat?"


"babalik ako. . .kung meron pa akong babalikan."


Sumama ako kay Cy sa airport hindi para sumama din sa kanya papuntang Italy, nandito ako dahil gusto kong puntahan ang dating pinagtatrabahuhan na Hotel ni Papa. Gusto kong mahanap ang totoo kong mga magulang.


To confirm everything na may kinalaman sa pagkatao ko.


Aalis akong mag-isa at kung mabigo man, ako lang ang maaapektuhan. I'll take all the risk.


"last call na,Cy. Sige na. Wag ka mag-alala saken. Magiging maayos din ang lahat." halos ipagtulakan ko na sya palayo, worry is obvious in his eyes. Nagaalangang binuhat ni Cy ang maleta nya.


"Mag-iingat ka don,Heira. Please. Tawagan mo ko kung ano na ang nangyayari sayo. Kung di lang kita naiintindihan, hindi ako papayag sa gusto mong mangyari."


"oo. Sige na, mahuhuli ka na. . ." pinigilan kong umiyak. Ayokong magpakita ng kahinaan sa paghihiwalay naming dalawa.


Hindi ko sya hiniwalayan ng tingin hanggang sa maglaho sya sa paningin ko.


"Salamat,Cy. You're such a dear friend. . ." bulong ko na parang maririnig pa nya ako.


Muli akong umupo sa waiting area. Ilang oras pa bago ako makaalis papuntang Los Angeles. Nilabas ko sa bag ang GC. Sana tama ang kutob ko. Sana nga kamag-anak ko ang babaeng nakasabay namin sa eroplano noon.


Isinandal ko ang nahahapo kong katawan. Hindi ko nadala ang lahat ng mga gamit ko. Mga importante lang kagaya ng mga gamit na naiwan ni Papa at konting damit.


Napatingin ako sa daliri. Wala na ang singsing na bigay ni Xandrei. Iniwan ko kasama ang sulat ng pagpapaalam at paghingi ng tawad.


FLASHBACK


Mabilisan akong nag-empake ng mga gamit.Sinigurado kong tulog na silang lahat. Ayokong may makakita saken na aalis.

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon