Chapter 7: Kill me now +__+

149 7 0
                                    

Chapter 7: Kill me now +__+


Zoey POV


Nanonood ako ng Wrong turn ng bumukas ang pinto ng kwarto ko


"Freak"


"KYAAAAAAAAH!" Sigaw ko nagulat ako eh -___- dagdag mo pa yung Babae sa screen na nagtatago dun sa humahabol sa kanya


"Pst. wag ka ngang sumigaw"


"ZOEY! ANONG NANGYARI?" Dumating naman yung tatlo


"Umalis ka, iwan nyo ko" niyakap ko ang mga tuhod ko.

ayoko talagang nakikipag usap sa mga lalaki umiiwas naman ako dati ayoko na!


"Russel, sinaktan mo ba sya?" Blue


"Anong ginawa mo?" Ken


"ANONG SABI MO?! NANDITO AKO PARA MAG SORRY TAPOS PAPAALISIN MO LANG AKO? ALAM MO NAPIPILITAN LANG KAMING PAKISAMAHAN ANG WEIRDONG KAGAYA MO PARA MAGKAPERA KAMI KAPALIT NG PAGBABANTAY NAMIN SAYO"


"P-Pera?" Tanong ko


"Lagot nasabi na nya" Ken


"TAMA! DI KO NAMAN GUSTONG PUMASOK DITO SA NAKAKATAKOT MONG KWARTO"


"Nakakatakot na kwarto" Red


Sabay naman nilang nilibot ng tingin ang kwarto ko at sumigaw sila. Lagi silang nakasigaw!! BAKLA BA SILA?!!


"Teka nga Zoey takot ka ba sa mga Lalaki?" Ken


"Ha?" Red and Russel

"Oo nga, may Bad experience ka ba saming mga lalaki? napansin ko kasing parang ayaw mo kaming kausapin kahit nung una pa" Blue


"Sorry, Zoey wag mo na lang kaming pansinin" Red


"H-Hindi, M-mali kayo! LUMABAS NA KAYO IWAN NYO KO"


"OKAY! SABI MO EH!" Russel. malakas na sinarado nya ang pinto ng kwarto ko


Yung apat na yun.. di na sila nakakatuwa
Napatingin ako sa bintana, lalabas muna ako ayoko dito
Patakbo akong lumabas para di nila mapansin


Tahimik na naglalakad ako sa daan nakatingin sakin ang mga tao. sanay na ko!


"White Lady!" turo sakin nung mga lalaki. Nung isang beses Black lady ngayon White lady naman =___=


Di ko sila pinansin pumunta ako sa Park


"Marumi ang mga kalsada, mga palaboy na aso, mga lasinggero"


"Tignan mo may baliw oh" -___- Ge itawag nyo lang ang gusto nyong itawag sakin


"Tara batuhin natin" Dumampot ng mga bato yung mga bata at binato ako


"Aray" Pakshet! sinubukan kong umilag pero masakit eh. kaya sinunggaban ko yung pasimunong batang Lalaki


"NAKAKASAKIT NA KAYO HA!" inangat ko sya gamit ang ng paghawak ko sa kwelyo ng polo shirt nya.

"INAANO KO BA KAYO?!!" Umiyak naman bigla yung bata


"MAMA! WAAH HUHUHU MAMA" Binitiwan ko sya pero patuloy parin sya sa pag iyak


"Hoy anong ginawa mo sa anak ko?" may galit na babaeng lumapit samin


"Mama sinaktan ako ng baliw na yan" turo nya sakin


"K-Kasalanan nya---Aww" bigla kasi akong hinampas ng dala nyang bag


"How dare you?" nainis naman ako kaya tinulak ko sya nakakasawa na kasi eh pagkatulak ko sa kanya tumakbo ako

Meet The MONDRAGON BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon