Chapter 24: A Dare

37 1 6
                                    

Chapter 24: A Dare

ZOEY POV

Pumasok kami kanina ng hindi namin kasabay si Russel. Ang sabi ni Ken, nauna na daw pumasok at may kailangan asikasuhin.

As far as I know sa sobrang tamad ng taong yun imposible na meron syang gagawin sa school. Baka may lakad lang at nag dahilan na lang.

LUNCH BREAK.

Tahimik na kumakain ako at nakita ko si Russel na nakaupo na doon sa Table nila. Mag isa lang sya, napatingin din sya sa direksyon ko kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Bakit mag isa ka lang? Nasaan si Meredith?"

Napatingin naman ako sa nakatayong si Blue na hawak hawak ang tray nya. Umupo ito at ngumiti sakin.

"Hindi sya pumasok" matipid kong sagot.

"Ahh.. I see" nag simula na din syang kumain. Hindi ko napigilan na magtanong kung bakit sya nakaupo dito sa table ko kesa usual table nila.

Nandoon si Russel ohh! Bakit sakin pa sya nakikisabay kumain? Saka ang daming nakatingin samin kalat na dito sa campus na girlfriend ako ni Russel ehh.

"Ano...bakit dito ka nakaupo?"

"Gusto kitang kasabay. Masama ba? Mag isa ka kasi.."

"Pero...kasi mag isa lang doon si Russel" nginuso ko ang kumakain na si Russel. Kitang-kita ko sa expression ng mukha nya na badtrip sya. Baka siguro hindi maganda ang araw ng taong yun.

Tumingin din doon si Blue bago tumawa.

"Hayaan mo sya. Malaki na sya, kaya nyang kumain mag isa" nagulat naman ako ng bigla syang kumindat sakin.

Natapos kami kumain at ibabalik na sana yung Tray ng mapadaan kami sa Table na inuupuan ni Russel. Iniwasan ko sya ng tingin pero hindi ko inaasahan ang gagawin nya bigla nya kong pinatid. Dahilan para sumubsob ako at mabitawan ko ang Tray na dala ko.

Narinig ko naman nagtawanan ang mga Estudyante. Tinignan ko ng masma si Russel.

"Napakalampa mo talaga, Girlfriend"nakita ko ang ngiti sa labi nya at akmang tutulungan akong tumayo ng hawiin ni Blue ang kamay nya.

"I saw you, Russel. You did that on purpose" seryosong turan nito. Tinulungan nya kong tumayo at inalalayan. Medyo sumakit kasi ang tuhod ko.

"What? Can you please let my girlfriend go? That's not a nice view to see my girlfriend with my couzin arms" tumayo si Russel at hinawakan ako sa kamay ko.

Teka. Ano bang problema ng dalawang to?

"She's not your girlfriend, Russel. Stop using her" Blue.

"I said let go of her, Blue" matagal silang nag titigan at nag sukatan ng tingin bago ako binitawan ni Blue. Ngumiti sya sakin bago ako iniwan na hawak hawak ni Russel.

Just what the! Iniwan nya ko sa taong to??

"Alam ng lahat dito na girlfriend kita. Kaya hindi magandang tignan na sumama ka sa ibang lalaki kahit pinsan ko pa yan!" Bakas sa boses nya na galit sya. Kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha nya.

"Pinatid mo ko hindi ba? Kaya ako natumba! Natural lang na tulungan ako ni Blue" angil ko sa kanya.

"Pero hindi natural na sya ang kasama mo kumain imbis na ang Boyfriend mo, freak.." pag kasabi nya nun iniwan nya ko.

Meet The MONDRAGON BOYSWhere stories live. Discover now