Chapter 26: Freak and I

28 2 8
                                    

• Chapter 26 •

Zoey PoV

Maaga akong nagising at agad nakapag luto ng almusal, inaayos ko na ang hapag kainan ng makita ko si Russel.

Wala pala kaming pasok ngayon kaya panigurado tulog pa ang iba. Dire-diretsong umupo si Russel at nagsandok na ng makakain nya. Hindi sya nag sasalita kahit alam nyang naririto ako.

Badtrip ba to? O hindi maganda ang tulog?

Napailing na lang ako habang pinag mamasdan ko syang kumain. Huling kain na ata nya dahil punong-puno yung plato nya.

Gigisingin ko na nga lang ang iba kesa pagmasdan ang matakaw na ito. Iniripan ko sya bago tumalikod para gisingin ang iba ng bigla syang mag salita.

"Where are you going?" Tanong nito.

"Tatawagin ko na yung iba, tanghali na kasi..." Ilang na sagot ko. Ang sama kasi ng tingin nya.

Ano bang problema ng taong ito?! Makatingin sya eh! Kagabi pa syang ganyan mag mula nung umuwi kami ni Blue!!

"Kumain ka dyan. Hayaan mo sila" pagkasabi nya nun kumain na sya ulit.

Napakamot ako sa ulo ko bago naupo sa harap nya at nag simulang magsandok ng sakin.

Tahimik lang kaming dalawa na kumakain. Actually hindi ako sanay na ganito sya kasi sa totoo lang maingay yan kahit nakain eh.

"Do you have feelings for Blue?" Biglang tanong nya na nagpatigil sakin sa pag subo.

Anooooooo??!

"H-Huh?" Kunot na noong tinignan ko sya. Binaba nya ang hawak nyang kutsara bago dinuro sakin ang tinidor na may nakatusok pang hotdog sa mukha ko.

"Maglinis ka ng tainga mo at may luga na!"

Nagsalubong ang kilay ko at inis na hinawakan ang kamay nyang may hawak ng tinidor bago ko kinain ang hotdog na nakalagay don. Nanglaki ang mata nya sa ginawa ko.

"H-Hoy! Bakit kinain mo ang hotdog ko?! Gusto mo tusukin ko ang mata mo, Freak?!" Napatayo na sya nyan huh.

"Kinain ang hotdog mo? Anong ibig mong sabihin?!" Bigla naman sumulpot si Meredith na halatang kagigising lang.

Sinamaan ako ng tingin ni Russel bago tumusok ulit ng hotdog bago bumalik sa pag kakaupo nya.

Napaka-isip bata talaga.

"Good morning, Everyone!" Masiglang bati ni Ken. Kasunod nito sila Blue at Red.

-------00000000-------

"Ihahatid ko lang si Meredith" paalam ni Ken. Nakakapit sa braso nito si Meredith. Tinanguan ko lang silang dalawa at agad din namang umalis.

Maya-maya si Red naman ang nakabihis na bumaba, may dala itong libro at bag ang sabi nya kanina meron syang klase half day lang.

Busy ako sa pag wawalis habang si takaw nakaupo sa Sofa at busy sa panonood ng TV.

Inis na namewang naman ako sa harap nya kaya agad kumunot ang noo nya.

"Tabi! Nanonood ako"

"Manonood ka na lang ba dyan? Bakit hindi mo ako tulungan?"

"Anong alam ko dyan? Ayan si Blue ohh!" Napalingon naman ako sa tinuro nya. Pababa si Blue ng hagdan at kita sa porma nito na may lakad ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meet The MONDRAGON BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon