Chapter 3: Mag nanakaw

220 11 1
                                    

Chapter 3: Mag nanakaw


Russel POV

* FLASHBACK*


"May gusto sana akong ipagawa sa inyo"


"Ano po yun, Auntie?" Ken


"Pinapatira ko naman kayo sa Mansiyon ko ng libre, Matapos nyong lumayas sa mga bahay nyo"


"Opo" Red


"Ano po ba yun, Auntie?" I asked. andami pang sinasabi


"Aalis ako papuntang Macau at matatagalan ang pagbalik ko...Maiiwan mag isa ang pamangkin ko dito sa pinas at walang magbabantay sa kanya ayoko naman syang isama dahil nag aaral pa sya, Dito na sya titira kasama nyo gusto kong Alagaan at bantayan nyo sya"


"ANO PO? PERO AYOKO"

Reklamo ko. makakasama namin ang pamangkin nya? Kulang pa nga samin ang pagkain namin eh dadagdag pa.


"Madali lang naman akong kausap mga Hijo, pwede na kayong mag impake"


"Ha, Tita sandali lang naman po" Blue


"Payag na po kami" Ken


"Ano? pero ano ipapakain natin dun ha?" Ako


"Haha, Dont worry Russel ang kapalit ng pagbantay nyo sa Pamangkin ko ay sasahuran ko kayong apat 20k a month ako ng bahala sa pagkain at gastusin nyo araw araw"


"TALAGA PO?!" napatayo naman Kaming apat ngumiti sya at nagkatinginan kaming apat.

Almost a week narin ng lumayas kami sa mga bahay naming magpipinsan. Wala kaming pera at matitirahan buti na lang mabait si Tita Emerald na kaibigan ng mga magulang namin..
At ngayon magkakapera kami para lang maging BG ng pamangkin nya? AYOS DIN!


"Basta gawin nyo lang ang inuutos ko ang maging Body Guard ng Pamangkin ko, sya na lang ang natitirang kamag anak ko at ayokong mapahamak sya may tiwala ako sa inyong apat alam kong magagawa nyo ang gusto ko"


"Wait...is it a Boy or a Girl?" Blue


"She's a GIRL"
"AYUN OH!" Blue. tinignan naman namin ng masama si Blue "Ahahaha ^___^v"
"Dadating sya dito sa makalawa"

*END OF FLASHBACK*

-____- Ang akala namin.. Cute, Maganda, Sexy at Sopistikada ang Pamangkin nya yun pala isang MANANG, WEIRD, MUKHANG MULTO ang dadating dito.


Grabe natatakot ako sa babaeng yun para syang KALULUWANG PAG GALA GALA NA HINDI NABIGYAN NG HUSTISYA ANG KAMATAYAN NYA.sobrang haba pa ng buhok lagpas bewang at hanggang ilong ang haba ng Bangs Buti nakakakita pa yun.

"Hoy, anong iniisip mo?" siniko ako ni Blue


"Wala"


"Si Zoey noh?" Red


"Gago, bakit ko naman iisipin ang Freak na yun?"


"Hahaha niloloko ka lang, Ano kayang itsura nya noh?" Blue


"Pangit yun panigurado tinatago ang mukha eh" uminom ako ng Beer


"Di mo pa nga nakikita pangit agad" Ken


"Tss panget yun ako ng nagsasabi"


"Ewan ko sayo pinsan" Red


"Pero gusto kong makita mukha nya, Maganda si Tita Em imposible namang panget si Zoe diba?" Blue


"Ulol edi kung maganda yun baka gawan mo pa ng masama at magalit si Tita" Red. tinulak naman sya ni Blue

Kilala nyo na ba kami? Kami ang MONDRAGON BOYS. magpipinsan kaming apat
Im Russel Mondragon, Gwapo, Pogi, Mayaman, Hearthrob, Hunk at Gwapo ulit wag ka ng umangal.. GWAPO AKO!

Meet The MONDRAGON BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon