Chapter 21: School Festival Part II

18 1 2
                                    


Chapter 21: School festival Part II

SF Day 4..

"BOOO~"

Pag gulat ko dun sa mga Babae, nagtakbuhan naman sila. napatingin ako sa wristwatch ko 4:54 na mamaya pang 7 PM ang sara nito. 4 days na kong nakapang White Lady dito tapos bukas ang huli!

YES!! Matatapos na din. Biglang may pumasok mag isa lang sya kaya nagtago ako.

"BOOO~"

"AAAAAH!!" Bigla akong natawa ang Epic ehh. Sa lahat ng lalaking pumasok dito sya ang pinakanagulat sakin ..

Teka...

"Russel?" tumayo sya at nagpagpag

"Tsk. nakakatakot talaga ang mukha mo grabe"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hoy, Horror booth to! pwedeng pumasok" angil nya sakin.

Sabi ko nga! tinalikuran ko na sya

"Di ka pa ba tapos dito?"

"Hindi pa"

"Tsk. C'mon" bigla nya kong hinatak sa kamay ko palabas.

"O-oy san mo ko dadalhin?" tanong ko.

"Four days na ang School festival lagi kang nasa Booth nyo para manakot"

"So?"

"Nakakatakot ka na, So wala ka ng dapat patunayan"

Siraulo 'to. Pinagtitinginan kami di ko alam kung dahil ba mukha akong WHITE LADY or dahil hawak ni Russel ang kamay ko?!

Huminto kami sa tapat ng Ferriswheel. Hala! di pa ko nakakasakay dito. I Mean nung nilagay to sa School busy kasi akong manakot.

"Sasakay tayo?"

"Oo" pumila kami ay hindi pala kasi ang kapal ng mukha nya dire-diretso wala namang umangal.

Bakit ako pa ang sinama nya dito? isa pa! Kanina pa nya hawak kamay ko. Pagkasakay namin kinulbit ko sya at tinuro ang kamay namin.

"Tss. pasmado kamay mo" lumipat sya ng upuan kaya magkatapat na kami. Actually kasya ang apat dito sa Loob ehh.

"Bakit dinala mo ko dito?" tanong ko.

Seriously? di ko talaga alam kung Bakit niyakag nya ko dito.

"Ha? Wala akong kasama ehh"

"Sila Ken?"

"Busy"

"Close ba tayo?"

"Open tayo" nakakainis kausap to!

Huminto ang Ferriswheel nasa tuktok kami kaya tumayo ako at naglilikot para umuga yun.

"H-Hoy itigil mo yan, Freak"

"Bakit naman?" bigla naman syang namutla habang nakatingin sa Baba takot ba sya sa matataas?

"Hoy takot ka sa matataas noh?" ngumiti ako at lumapit sa kanya.

Pfft Haha Bigla syang nagtakip ng bibig! Ferris wheel lang to tas masusuka na sya? what more kung may Roller coaster dito?

"Takaw, Okay ka la----HELL!!" Bigla nya kong sinukahan.

"AAAAAH!" Sigaw ko at binatukan sya.

Pagkababa namin sa Ferris wheel agad akong bumaba at iniwan sya doon na tawa ng tawa. Sinukhan nya ko!

Meet The MONDRAGON BOYSWhere stories live. Discover now