09. Magsama sila!

1.4K 41 2
                                    

09. Magsama sila!

Naglalakad kami ng Nerd na ito dito sa may park. Dito kasi yung daan papunta sa bahay namin at since same subdivision naman kami, edi up to now magkasama parin kami na talaga namang nakakainis.

Medyo naging awkward din yung atmosphere dahil sa naging posisyon ko nung natutulog kami kanina.

Argh kapag naaalala ko yun naiinis ako.

"Uhh Bry---" di pa sya natatapos magsalita ng magsalita agad ako at harapin ko sya.

"What now?" inis na sabi ko sakanya at nagcross arm.

"Eh kasi uhm..." napayuko sya saglit at napakamot sa ulo na pakiwari ko ay nahihiya.

Problema nito?

"Gusto ko lang itanong kung ano..." parang ewan siyang napapangiwi habang kumakamot sa batok niya na parang nahihiya. "Ano kasi hehe." Ano'ng problema ng isang 'to?

"Ano?" naiinis ng tanong ko.

"E-Eh k-kasi..."

Hindi pa man siya natatapos magsalita nang may marinig na kami na unwanted sound.

"Teka...." tumingin ako sakanya at halos mamula na siya na parang kamatis ngayon.

At ako? Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

"S-Saan..." mukhang nahihirapan na siya magsalita at hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay gets ko na ito.

"Nandun." itinaas ko ang isa kong kamay para ituro ang lugar kung saan naroon ang pinaka malapit ng Public CR.

"T-Thank you." dali dali siyang tumakbo doon kahit halata mo'ng nagpipigil. Napatango na lang ako nang makaalis na siya. At ramdam ko ng natatawa ako.

At nang tuluyan na siyang makalayo sakin ay agad akong nagpakawala ng napakalakas na tawa na kanina ko pa pinipigilan.

"BWAHAHAHAHA WAHAHAHAHAHAHAHA AHAHAHAHAHAHA TAHAHAHAHA!" tawa ko na napakalas. Halos maglumpasay na ako sa sahig. Nakahawak ako sa tiyan ko at tuhod na talaga namang tawang tawa.

Namimilipit na nga ako sa katatawa.

Kaya sguro nilagnat yun ay dahil sa katitiis ng pananakit ng tiyan.

That was the funniest experience i've ever encounter. Hahahahahaha

"Brychelle?" napatigil ako sa pagtawa ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

Wait, i knew that voice. And it's from the unwanted guy.

Unti unti akong lumingon at tama nga ako. Kilalang kilala ko ang boses niya.

Tinaasan ko sya ng isang kilay at nagcross arm.

"Excuse me, do i know you?" bitter na tanong ko sakanya.

Napangisi sya dahil sa sinagot ko at umiling iling pa sya na parang natatawa.

"Di man lang ako na inform na nagka-amnesia ka at nakalimutan mo ng minahal mo ang gwapong nasa harapan mo ngayon." pagmamayabang nya.

Spell encyclopedia? Edi K-I-R-B-Y. Ghad

"Wow. So sa tingin mo talaga gwapo ka?" inis na sabi ko sakanya.

Ngumisi naman sya "Minahal mo nga e." proud na proud na sabi nya na halos ikagulat ko na at halos ikasuka ko na.

"Kabahan ka nga sa sinasabi mo. Kakapangilabot ka, gosh." nandidiring sabi ko sa makapal nyang pagmumukha at nagroll eyes.

Ang kapal ng mukha nya. Made in flywood!

"Pfft." nagpipigil na tawa nya.

Argh naiinis ako sakanya. He's so arrogant, wala parin syang ini-improve.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon