29. Mahal kita

741 24 1
                                    

29. Mahal kita

Sabrina's P.O.V.

Tinignan ko ang papel na hawak ko, pinagiisipan kung babasahin ko ba ang kung ano man ang nakasulat dun pero kinakabahan ako. Natatakot ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Nanginginig kong isinara sketch pad na pagmamay-ari ni Pierce. Nakita ko na ang nilalaman ng sketch pad niya. Puro sketch ng mga ko sa iba't ibang sitwasyon at iba't ibang araw.

Pierce, naguguluhan na ako.

Pero kahit gulong gulo na ako, hindi ko pa rin magawang basahin ang nakasulat sa kapirasong papel na iyon. Ano ba ang laman non? Masasagot ba ng papel na iyon ang lahat ng katanungan ko?

Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko at pinagmasdan ang malakas na ulan sa labas.

Napaangat ang tingin ko sa wall clock na nasa itaas lang naman ng bintanang iyon.

10:54 pm

Bigla akong nakaramdam ng panglalambot kaya agad akong nahiga sa kama ko. Napagod siguro ako sa kakaiyak.

Gusto ko'ng magisip.

Bakit ganito ako masaktan ng ganito? Bakit pakiramdam ko, mas nasasaktan akong malaman ang totoo?

Pierce...

*

Nagising ako sa hindi malamang dahilan, malamig pa din dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan. May bagyo ba?

Automatic na napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko at nakita ko'ng 2 am na.

Hindi ko alam kung ano ang mayroon sakin pero parang hindi ako mapakali. Bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko ngayon?

Lalakad na sana ako para mas makalapit pa sa drawer ng maramdaman kong may dumikit na papel sa paa ko.

Tinignan ko ito.

Ito ang kapirasong papel na iniabot ni Alexa sakin kahapon. Agad ko itong pinulot. Ramdam at rinig ko ang napaka lakas na pagkabog ng puso ko.

Ano ba'ng mayroon? Bakit parang di ako mapakali at makuntento? Bakit pakiramdam mo ay parang nagwawala  ang puso ko?

Unti unti kong binuksan ang papel na iyon mula sa pagkakatiklop nito. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Wala akong ibang marinig sa mga oras na ito kundi ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Tinignan ko ang bawat letra na nakasaad sa kapirasong papel na ito.

Let me explain, Sab. I'll be waiting for at Park at exactly 8 PM. I won't leave unless you showed up and listen to me.

Pagkabasa ko agad noon ay agad akong napatingin sa orasan.

2:16 AM

Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Sa sobrang bigla ay kumuha na lang ako ng isang jacket pati isang payong tsaka ako dumiretso sa labas.

Walang suklay suklay na umalis ako ng bahay.

Alam kong magagalit sakin si mama pag nalaman nyang umalis ako ng bahay ng ganitong oras at wala pang paalam pero kailangan ko'ng pumunta sa park.

Paano kung hindi nga siya umalis? Paano kung hanggang ngayon ay nandoon siya at naghihintay na dumating ako?

Gusto kong sumakay dahil bukod sa nababasa ako ay gusto ko na rin makarating doon agad pero wala ng sasakyan ang dumadaan ng ganitong oras. Masyado ng delikado sa labas pero wala na akong pakielam. Hindi na iyon pumasok sa isip ko dahil isang tao lang ang nasa isip ko ngayon.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon