26. Lies

775 19 0
                                    

26. Lies

Sabrina's Point Of View

Nandito ako ngayon sa school, sinusubukan na maenjoy ang high school week kahit solo flight lang ako ngayon. Busy kasi si Bry sa greetings booth kaya hindi ko siya makasama ngayong high school week.

Pero okay lang, nageenjoy din naman ako dahil sa presence ni Pierce. I mean he's always there to accompany naman kaya hindi din ako solo flight araw araw.

Except today.

I wonder, nasaan kaya ngayon si Pierce? Nasanay na lang kasi ako na lagi ko siyang nakikita ng umaga pa lang but today is different. Walang Pierce na bigla bigla na lang susulpot sa kung saan saan.

Baka busy dahil sa grand prom.

3 days na lang at grand prom na at sa totoo lang ay sobrang naeexcite na ako. This is going to be our last prom as a high school kaya gusto ko talagang maenjoy iyon.

"I said stop. Tumigil ka na. Layuan mo na ako."

Huh? What's that noise? May nagaaway ata.

"No, hindi ako lalayo. Hindi kita titigilan dahil may usapan tayo."

Gusto ko sanang umalis na lang sa lugar na iyon dahil kailangan nila ng kaunting privacy pero patuloy pa rin ako na nakinig. Na dapat ay hindi ko ginawa.

"This is nonsense, Alex." familiar yung boses.

"Do you want me to tell her the truth?"

Saglit na natahimik ang usapang iyon. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila at pati ako ay nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Don't you dare—"

"Bakit? Natatakot ka'ng malaman nya ang totoo? Natatakot ka'ng malaman niya na pakana mo ang lahat ng ito?" huh?

"Shut up—"

"Nangako ka. Ang sabi mo, magiging tayo kapag ginawa ko ang gusto mo. Ang sirain ang kung ano mang relasyon nila nung Paolo na yun."

"Stop it please."

"What? Totoo naman, ah. Hindi ka ba naaawa sakaniya? Pinapaikot mo lanh siya. Sila. Sa kasinungalingan mo, parehas lang silang biktika. Pinaniwala mo siya sa isang kasinungalingan na wala namang katotohanan."

"I SAID STOP IT—"

"Sige ituloy mo."

Sabay silang napatingin sa direksyon ko nang magsalita ako at kita ko ang takot sa mata ni Pierce nang makita niya ako.

"Sabrina?" bakas ang takot sa tono ng boses ni Pierce ng tawagin nya ako.

"So planado ang lahat?" puno ng pait na tanong ko sakaniya. I tried my best to hold back my tears dahil ayokong makita niya na nasasaktan niya ako.

Walang nagsalita ni isa sakanila.

"Ang saya naman pala." I faked a laugh. Nakita ko na akmang lalapit sakin si Pierce nang tumingin ako sakaniya ng masama. "Kasinungalingan lang ba lahat?"

Nakatingin lang siya saakin. Naghahanap ng sagot saakin? Hindi ko alam.

"So ano ang totoo?" narinig ko na nagcracrack na ang boses ko at nararamdaman ko na din ang namumuong luha sa mata ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"Sab..." mahinang tawag ni Pierce sa pangalan ko. Nakakaasar dahil kahit simpleng pagtawag lang niya sa pangalan ko ay ganito na ang nagiging epekto sakin.

Tumingin ako sa babae na kausap niya at alam ko'ng kilala ko siya. Siya iyong babae na nakita ko'ng humalik kay Paolo.

Ngumiti ako sakaniya. A fake one.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon