20. Really?

790 24 2
                                    

20. Really?

Sabrina's Point Of View

Pierce is serious, he's really going to court me.

Nandito kami ngayon sa isang amusement park na malapit sa school at ngayon ay nahihiya si Pierce dahil nag search pa daw siya sa google kung saan magandang dalhin ang isang babae kaya dito niya ako naisipang dalhin.

"I don't know anything about this stuff, ugh."

Gusto ko'ng matawa dahil sa sobrang cute ni Pierce. Ito daw kasi ang first time niyang makipag date kaya wala siyang alam.

Actually, ito din yung first time date na dinala ako sa amusement park.

Si Paolo kasi, sa arcades at mall lang ako dinadala kaya naman hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito.

Ngumiti ako kay Pierce at hinawakan siya sa braso. "Kumakain ka ba ng cotton candy?" tanong ko sakaniya. Kunot noo siyang napatingin saakin, mukhang hindi din niya alam kung ano ang cotton candy. Pft.

Seriously? Hindi ba dumaan sa childhood niya ang cotton candy?

Hindi ko na siya pinagsalita at agad ko siyang hinila papunta sa cotton candy vendor.

*

"Sht. Ang sarap talaga."

Gusto ko'ng matawa. Nakakailang bili na kasi kami ni Pierce ng cotton candy dahil sobrang nasarapan siya. Ako na nga ang nagpigil sakaniya dahil baka mamaya ay masira na ang ngipin namin.

Napatingin ako sa isang lugar kung saan madaming stuff toys na nakabitin. Actually, it's a game. It was simple. Ang mechanics lang nung game ay kailangan maishoot yung bola sa ring at kapag nagawa mo yun ng 3 times, mamimili ka ng premyo which is yung mga stuff toys.

"Gusto mo?" tanong sakin ni Pierce na ngayon ay nakatingin din sa kung saan ako nakatingin.

Umiling ako at magsasalita pa lang sana nang biglang umalis si Pierce at lumapit doon.

Kinausap niya lang yung nagbabantay, actually medyo hindi ko kita ang ginagawa nila at lalong hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila pero maya maya pa ay lumapit na sakin si Pierce at may dala dalang isang stuff toy.

Lah? Paano niya nakuha yun e hindi naman siya naglaro?

"Here." saad niya nang iabot sakin ang stuff toy na hawak niya.

Nagtataka akong tumingin sakaniya. "Paano mo nakuha?"

"Binili ko."

Medyo nadisappoint ako sa sinabi niya. Gusto ko yung stuff toy pero gusto ko din na pinaghirapan iyon makuha para sakin.

Ugh, ang demanding ko. Be thankful na lang, Sab.

I tried my best to smile. "Thank you."

Ngumiti din siya sakin atsaka ako tinalikuran pero bago siya tuluyang maglakad ay may sinabi muna siya saakin.

"It would be a waste if I play that stupid game. I'd rather spend my whole time with you than to play that game."

Brychelle's Point Of View

Hindi na ako natutuwa.

Wala ng nakakatuwa na nangyayari sa araw araw na pagpapractice namin ng cotillion para sa nalalapit na Grand Prom. Ugh, bakit ba kasi nauso pa yang cotillion na yan e?

Nakakadagdag pa sa pagka asar ko na halos every break time ay palagi na lang magkasama si Kim at yung babae niya. Para ngang may sariling mundo na silang binubuo dito, e.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon