24. Guilt

833 26 1
                                    

24. Guilt

Brychelle's Point Of View

Mga walang hiyang mga tauhan ito. Sukat pagkaisahan daw ba naman ako? Ano'ng tingin nila sakin? Baliw?

Kahit di ko kita, alam ko'ng ang dami nilang nakahawak sakin. Nakakaasar lang dahil kahit ano'ng sigaw at pagwawala ko ay wala ni isa ang pumapansin sakin. Di ko na din alam kung saang landas na ba ang tinatahak namin.

Naramdaman ko na lang na pumasok kami sa isang room at mukhang may idea na ako kung asan ba ako ngayon.

Nang makaupo na ako sa isang upuan ay agad din naman nilang tinanggal ang nakatakip sa mata ko at napa-roll eyes nalang ako nang mapagtanto ko kung nasaan ako ngayon.

I knew it.

"Kung sino man ang walang hiyang nagutos nito, isusupalpal ko sakanya itong kinauupuan ko." atsaka ko tinignan ang mga estudyanteng nagdala sakin dito.

"Ang ingay ng babaeng 'to, tara na nga." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nung lalaki bago sila tuluyang lumabas sa room na ito. Buti na lang at lumabas na din sila dito sa blind date room.

Blind date, blind date, mga pauso.


Tumingin naman ako sa pintuan nang bumukas ito at napatayo ako nang makita ko kung sino'ng unggoy ang pumasok.

"Ano'ng ginagawa mo dito'ng unggoy ka?" bakas sa tono ng boses ko ang matinding pagkairita.

Agad din namang umalis yung mga ulirat na naka-assign dito sa blind date booth na ito at iniwan kami sa loob.

"Makikipag blind date sayo. Obvious ba?" nakangising sagot niya.

"Ngayong nakikita kitang unggoy ka sa harapan ko, hindi na ito matatawag na blind date, duh? Kahit kailan talaga, unggoy ka!" crossed arms na sagot ko sakanya.

"Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung pagmamahal mo sakin."

Halos lumuwa naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Kabahan ka nga sa mga pinagsasasabi mo."

"Why?" medyo natatawa tawa pa siya nang ipinamulsa niya ang dalawa niyang kamay sa pants niya. "Sobrang bitter na bitter ka pa rin sakin kaya dama ko pa rin yung pagmamahal mo."

Gusto ko'ng masuka!

Mas lalong tumaas ang kilay ko. "Wala naman kasing ka-sweet sweet sayo atsaka wag ka'ng feeling diyan."

Naparoll eyes nalang ako ng marinig ko ang pagtawa niya. Ang sakit sa ears!

Bago ko pa man siya mapatay ay nagmadali akong pumunta sa pintuan para lumabas kahit hindi pa man tapos ang oras namin sa loob.

"Tumabi ka nga!" saad ko dahil nakatayo siya ngayon sa tapat ng pintuan. Pero imbes na tumabi ay hinawakan pa niya ako sa braso ko.

Germs!

"Mag usap tayo." mahinahong sabi niya.

Agad ko siyang hinarap ng nakangisi. "Bakit miss na miss mo na ba talaga ako?" mapang asar ko'ng tanong. Agad ko ding binawi ang mapang asar ko'ng ngisi at tinulak siya palayo dahil hindi ko talaga kayang makipag plastican sakaniya. "In your dreams. Makipagusap ka sa anino mo." at tinalikuran ko na siya.

Agad ko'ng binuksan ang pintuan at tumambad sakin ang napaka daming estudyante. Mga nagpapalista siguro at nakikigulo sa blind date booth.

"Oh? Ba't lumabas ka agad? Hindi pa tapos—" di ko na inantay na matapos ang sasabihin niya at kaagad ko siyang tinignan ng masama.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon