Chapter Thirty Seven

1.2K 20 2
                                    


Gabi nang magising ako. Medyo sumakit ang likod ko dahil ang tagal kong nakahiga. Naalala ko ang nangayari sakin. Papunta ako sa kusina nang bigla akong bumagsak. Sobrang sakit ng ulo ko at bigla na lang nandilim ang paningin ko.

Pag gising ko katabi ko na si Andrei. Natutulog na din sya sa tabi ko. Siguro hinihintay lang niya akong magising kaya naman nakatulog din sya. For sure, pagod sya dahil sa trabaho tapos eto sya ngayon, binabantayan pa ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang ganto. Wala naman akong lagnan. Bigla na lang ako nakaramdam nang ganto.

“Andrei?” sabi ko sabay kalabit sa braso nya.

Ang gwapo pa rin nang boyfriend ko kahit pagod. Ang tangos ng ilong, ang pula nang labi. Parang Ayoko na sya gisingin. Gusto ko na lang sya titigan.

“Hmmm…” narinig ko na sya. Medyo umunat na sya at nung binukas na nya ang mata nya ay parang nagulat sya dahil gising na ako, “Gising ka na. Okay ka lang ba?” hinawakan nya ako sa noo.

“Oo. Okay na ko. Nahilo lang ako kanina. Wag ka mag-alala.” Sabi ko sakanya sabay ngiti para mahalata nyang okay na talaga ako. Medyo um-okay na nga ako. Ang tagal ko kasing Tulog.

“Alam mo ba na alalang-alala ako sayo. Akala ko kung ano na nangayari sayo. Buti nga tumawag sakin si Zeke eh.” Sabi nya na halatang nag aalala pa din.

“Masakit lang talaga ulo ko kanina. Sorry ha dahil pinag-alala kita.” Mahimbing kong sabi.

“Buti naman at okay ka na.” sabi nya at sa wakas ay ngumiti na sya. Niyakap niya ako.

Niyaya na nya akong mag dinner, since hindi pa ako nakakain simula kanina nang bumagsak ako. Gusto pa nga nya akong subuan pero hindi ako pumayag. Alam kong sweet, pero medyo naiilang ako pag ganun. Hindi naman sa choosy or ano, pero ayaw ko lang talaga. Kasabay namin kumaen sila Zeke at Lee kaya medyo nahihiya ako.

Habang nag ke-kwentuhan kami ay nakarinig kami nang busina nang sasakyan. Sino kaya yun? Sarado na ang Coffee Shop kaya baka imposibleng costumer yun.

“May tao ata.” Sabi ni Andrei sabay subo sa pagkain na niluto ni Lee

Lumabas si Zeke at Halata sa mukha nya na napangiti sya. Pakiramdam ko kilala ko na kung sino ang dumating, si Annika. Yung maldita at sobrang mean na kapatid ni Zeke.

“Good evening kuya!” ngiting ngiting sabi nya. Nakasuot sya nang magandang damit. Nakadress na sobrang ikli, heels na halos 4 inches ang haba. Nakakulot pa ang kanyang buhok, at pulang pula ang labi. Iba talaga nagagawa nang may pera.

“Hi Niks.” Sabi naman ni Zeke at bumalik na sya sa upuan nya. Pag kalingon ni Annika samin, mukhang gulat na gulat sya dahil kasama ko si Andrei. At mas mukhang nagulat pa sya dahil kasama nila akong kumakaen.

“Hi kuya Andrei. I never thought na Nandito ka.” Nag papa-cute pa nyang sabi. Sus, I never thought daw! If I know, si Andrei na naman ang dahilan nang pag punta nya dito. Ita-try na naman nyang i-seduce ang boyfie ko. Eh kulang naman ang powers nya sa powers ko. Ehh. “And looks who’s here, it’s Julie!” maarte nyang pag kakasabi sabay ngiti nang nakakaasar. Ngumiti na lang ako sakanya. At Tumingin sa plato ko. Nakakasuya naman kumaen. Bakit ba kasi sya pumunta pa dito?

In the Rain♥ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon