Chapter Twenty Nine

1.3K 20 0
                                    



Umagang umaga pa lang ay nagising na ako. Halos hindi nga ako nakatulog dahil sa sobrang kilig at tuwa ko kagabi. Masayado akong pinasaya ni Andrei. Kaya naman pala sya na-late dahil nag handa pa sya ng surprise nya sakin. Sobrang saya ko talaga. First time na may gumawa sakin nun, kasama pa yung binigay nya saking sapatos na halos kasing presyo nang tatlo kong buwan na sweldo.

Sa sobrang saya ko ay tatawagan ko si Ana.

Dialing Ana….

 

“Hello.” Sabi lang nya. Halatang antok pa ahh.

“Hi Ana banana! Good morning!” sabi ko with high energy. Medyo hininaan ko ang boses ko dahil baka marinig ni Andrei.

“Ano? Anu ba yan. Natutulog pa yung tao oh.” Sabi nya. Mwahaha!

“Ehh, kasi. May kwento ako sayo!” sabi ko. Sobrang excited talaga ako.

“Ano?” sabi nya

So,iki-newento ko na ang lahat nang nangyari. At ganito naman ang reaction nya:

“WEEEEEEH? HINDI NGA! WAAAAAAAH! NAKAKAKILIG NAMAN! TEH, ANG SWERTE MO NAMAN! EHH! PAG PUMUNTA AKO DYAN, ARBOR NA YUNG SAPATOS AH ! TAKTE, ANG SWEET NAMAN NI ANDREI. HINDI KO AKALAING MAY TINATAGO PA LANG KA-KESOHAN SA KATAWAN.”

Ganyan lang naman po sya ka-exaggerate! Halos mabingi na nga ako  sa phone eh. Kung makasigaw, wagas!

“Oy teh, bawal arbor no! Tska bigay sakin yun ni Andrei Labs ko ehh.” Sabi ko sakanya habang kinikilig kilig.

Naglakad ako pupunta sa garden. Sobrang aga pa nga. Wala pa sila Zeke ehh, miski sila Andrei ay natutulog pa.

Umupo ako sa isang upuan. At tinuloy ang pakikipag usap kay AnaBanana.

Maya maya habang nakikipag usap ay bigla na lang may nag salita mula sa likod ko.

“Good morning.” Pag lingon ko si Zeke. Ngumiti lang ako sakanya, pilit kong pinapakinggan ang mga sinasabi ni Ana.

“Uy teh. Ano ba yan! Nakikinig ka ba?” narinig ko ang boses ni Ana sa kabilang linya.

“Oo teh! Nakikinig ako! Andito kasi si Zeke my loves mo ehh.” Sabi ko nama sakanya habang nakatingin kay
Zeke na may hawak ng baso ng kape.

“Si Ana yan?” tanong nya sakin na mukhang nagulat. Ngumiti lang ako. Na-gets naman nya agad ang gusto kong iparating.

Ibinigay ko sakanya ang phone kung saan patuloy pa din sa pakikinig si Ana. Alam kong minsan lang sila mkapag usap kaya naman ibinigay ko na kay Zeke ang phone ko.

Maya maya ay nag uusap na sila. Nakatingin lang ako kay Zeke na halatang halata sa mukha ang kasiyahan. Ang sweet nila. Kahit na long-distance ang relationship nila, patuloy pa din ang pag mamahalan nila.

In the Rain♥ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon