Chapter Twenty One

1.5K 23 3
                                    

Kaway kaway sa magaganda't pogi! ;))



***


|Chapter Twenty One|



Zeke’s P.O.V


 

Sana naman makita ko na siya. Ilang araw ko na ding hindi nakikita ang mala anghel niyang ngiti. Hindi ko na rin siya nakikita. Bakit ganun? Kung kelan naman nagustuhan ko siya, tska pa siya nawala.

Ilang araw ko ding pinag isipan kung pupunta ba ko sakanya para umamin. Peo, natatakot kasi ako. Una, natatakot akong malaman niya dahil nga baka layuan niya ako, o kaya naman hindi na kausapin. Pero, ganun pa naman nakapag desisyon na ko. Gagawa na talaga ako ng paraan para massabi sakanya ang nararamdaman ko.

Wala akong pake kung ma-reject ako ngayon, basta ipaparamdam ko sakanya ang pag mamahal ko.

“San ka pupunta? Aalis ka?” tanong ni Annika.

“Ah, yes. Uuwi naman ako agad.”


“At san ka naman pupunta?”


“Eh, basta! Sabihin mo na lang kay Mommy na hindi muna ako uuwi, okay?”


“Hayy. Okay. Basta umuwi ka agad ha.”


“Sure.”


Umalis na ko sa bahay para pumunta sa coffee shop. Pag dating ko dun ay nakita ko agad si Julie at Andrei na nag uusap. Kung titignan sa malayuan ay parang sila na talaga. Yung tipong lovers na nagmamahalan. Sa totoo lang ay yan ang unang beses kong makita si Andrei na nakangiti nang ganyan. Karaniwang kasi ay hindi naman siya palangiti at lalo nang hindi masyado nakikipag usap sa mga taong hindi niya gusto.

Mahilig lang siya sa pakikipag flirt sa mga magagandang babae.Maganda si Julie, hindi kaya?..

“Zeke! Andyan ka na pala!” sigaw ni Julie.

“Ah, oo.” Ngumiti ako sakanya at saka lumapit.

“mukang may lakad ka ah.” Sabi ni Andrei.

“Meron nga. Sa totoo lang ay mag a-out of town muna ako. Well. Gusto ko makapag relax.”

In the Rain♥ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon