Chapter Thirty Two

1.3K 20 2
                                    


 

It’s na new day. Sobra akong nalulungkot dahil hindi man lang Umuwi si Andrei. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Hindi rin sya pumunta sa studio nya. Halos hindi na naman ako makatulog sa kakaisip sakanya. Naku-konsensya ako dahil inaway ko sya kahapon, tapos yun pala na-ospital yung mom  nya. Hindi ko man lang sya hinayaang mag paliwanag. Hindi ko man lang sya pinakinggan. Ito tuloy ngayon, hindi ako sigurado kung Babalik pa sya.

Tok.. Tok..

“tuloy.” Sabi ko

Bumukas ang pinto at nakita ko si Zeke na nakatayo. “Good morning Julie.” Sabi nya. Nag tataka ako kung bakit sya pumunta dito sa kwarto.

“Good morning din.” Sagot ko sakanya. Hindi ko ipinahahalata na malungkot ako. Ayokong kaawaan ng iba dahil lang doon.

“May nag hahanap sayo sa labas.” Sabi nya na may kasamang ngiti sa mukha.

“Ha? Sino?” tanong ko. Sino naman kayang bibisita sakin dito sa bahay? Eh wala naman akong kakilala dito sa Maynila. Tska, wala namang may alam na dito ako nakatira.

“Hindi ko kilala eh.” Sabi nya, “Labas ka na lang ha, naghihintay sya eh.” Sabi nya sabay talikod

“Oh Sige, thank you.” Sagot ko

Nag ayos na ako ng sarili. Nag ayos ng buhok. First time ko atang magkakaroon ng bisita ngayon. Sino kaya sya? Lumabas na ko. Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa upuan kung saan madalas akong nakaupo. Baka naman maniningil to nang utang? Naka-coat pa ha. Pero, hindi familiar sakin eh! (Malamang nakatalikod)

Lumapit ako, “Good morning. Hinahanap mo daw ako?”

Tumayo sya at lumingon sakin. Halos malaglag ang panga ko nung nakita ko kung sino yung lalaking nasa harap ko, si Sam, classmate at bestfriend ko nang high school.

“Sam?” sabi ko na halos hindi makpaniwala. Paano nya nalaman na Nandito ako?

“Hi Julie.” Sabi nya with a soft voice. Nakangiti sya. Sobrang tagal ko syang di nakita.

Sa sobrang saya kong makita sya ay lumapit ako sakanya at niyakap sya. Sobrang na-miss ko tong taong ‘to. Nung humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya ay nag salita na ulit sya, “Mukhang na-miss mo ko ah.” Ngiting ngiti nyang sabi

Hinampas ko sya sa braso, “Oo naman!” nakangiti din.

Umupo na kami. Nagtitinginan  na sila Lee at Zeke sakin, tinatanong siguro nila kung sino tong kasama ko.

Well, Sam is my bestfriend/close friend/seatmate for 4years sa high school. Hindi kasi kami classmate ni Ana, iba ang section nya during that time. Isa syang mabait at palatawa na kaibigan. Laging may joke na dala. Para sya na nga ang clown nang class namin. Dati, hindi sya pala-ayos. Hindi sya mahilig mag pa-pogi, di tulad nang ibang mga lalaki na halos hindi Papasok sa school pag hindi nakatayo ang mga buhok nila. Sya, simpleng lalaki lang. Ayos na sakanya ang mag basa nang mag basa ng libro. Laging nakatambay sa library. Sakanya nga ako nahawa sa pag babasang libro eh.

In the Rain♥ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon