Lesson 2: Intentional Leader

633 2 0
                                    

SERIES #5: Real Life Discipleship

LESSON 2: Intentional Leader

INTRODUCTION

Hindi tayo magiging isang magaling na leader kung hindi natin ito intentionally na ginagawa. It either napipilitan lang gawin o di naman kaya ay hindi talaga ginagawa. Paano at ano nga ba ang gagawin? In order to have success we must be intentional in all the things that we are doing.

JESUS set as an example to us o how to be a successful intentional leader.

KEY OF JESUS SUCCESS

Jesus was an intentional leader in every sense He did His disciple-makers in relational environment He followed a process that can be learned and repeated

(*Note: You can explain those point briefly dahil sa mga susunod na lessons ay mae-explain din naman ito. You can message me if you have some questions.)

SUCCESS REQUIRES INTETIONALLY

1. KNOW THE GAME

- Hindi ka mananalo sa isang laro kung hindi mo naman alam ang nilalaro mo. Hindi mo maabot ang goal mo kung di mo naman alam kung ano ang goal mo. Di mo mapupuntahan ang isang lugar kung hindi mo naman alam kung saan at paano makapunta doon. It all make sense. Dapat alam mo ang ginagawa mo.

- As a leader dapat alam mo kung ano ang ginagalawan mo. Alam mo dapat sa sarili mo kung saan ka at ano ang goal mo. Hindi naman madamot ang LORD, ask HIM at ibibigay NIYA yun sayo.

- Know you place and know your goal so that you can guide others.

At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging matatag ang katawan ni Cristo, hanggang makarating tayo sa pagkakaisa ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo.
Mga Taga-Efeso 4:11‭-‬13 MBBTAG12

Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
Mateo 28:19‭-‬20 MBBTAG12

2. EVALUATE THE PLAYERS

- You can't put someone sa isang lugar na 'di niya naman alam kung ano ang naroon o 'di siya magaling doon. Yes we can train them but why not train them sa kung saan talaga sila inilaan ng LORD? Kaya kailangan sa team mo as a leader alam mo ang pagkakaiba-iba ng bawat isa. Alam mo saan sila malakas at saan sila mahina.

- It's not judgment but an evaluation. Para alam mo kung saan mo sila mas tutulungan at saan mo sila mas e-equip.

Gaya ng sanggol, kayo'y manabik sa dalisay na gatas na espirituwal upang lumago kayo tungo sa kaligtasan,
1 Pedro 2:2 MBBTAG12

Mga kapatid, hindi ko kayo makausap bilang mga taong nagtataglay ng Espiritu. Kailangang kausapin ko kayo bilang mga taong namumuhay pa ayon sa laman at mga sanggol pa sa pananampalataya kay Cristo. Gatas ang ibinigay ko sa inyo noon at hindi matigas na pagkain, sapagkat hindi ninyo kaya iyon. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo kaya, sapagkat nananaig pa sa inyo ang laman. Ang inyong pag-iinggitan at pag-aaway-away ay palatandaan na makasanlibutan pa kayo at namumuhay ayon sa laman.
1 Mga Taga-Corinto 3:1‭-‬3 MBBTAG12

Dapat sana'y mga tagapagturo na kayo, subalit hanggang ngayo'y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin ng Salita ng Diyos. Dapat sana'y kumakain na kayo ng matigas na pagkain ngunit hanggang ngayon, gatas pa lamang ang inyong kaya.
Mga Hebreo 5:12 MBBTAG12

FIVE STAGES OF DISCIPLE GROWTH

(*Note: Ang parteng ito ay mauulit sa ibang series ng mas malinaw at detalyado, brief explanation lamang ang nasa baba.)

STAGE 1: SPIRITUALLY DEAD

• Unbelief

• Separated by God

• Ito yung mga taong 'di pa talaga nakakakilala kay KRISTO o kaya naman narinig na si KRISTO ngunit hindi naman ito tumanggap.

Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan.
Mga Taga-Efeso 2:1 MBBTAG12

STAGE 2: SPIRITUAL INFANT

• Ignorance

• Spiritually High

• Ito ayung mga bagong KRISTYANO na tumanggap kay KRISTO, kitang-kita mo ang alab sakanila at sigla sa paglilingkod ngunit hindi pa ito masyado aware sa paligid niya at mga posibleng mangyari kaya naman kapag dumating ang mga pagsubok ay madali itong tumalikod.

STAGE 3: SPIRITUAL CHILD

• Self-centered

• Understand the basic language of faith

• Sa usapang bibliya o ano pa mang tungkol sa pananampalataya ay marami na silang alam. Mostly ito ay mga matatagal ng KRISTYANO ngunit wala padin growth o kaya ay mabagal at pabalik-balik dahil mas lamang ang pansirili nilang naisin kesa sa kung ano ang dapat.

STAGE 4: SPIRITUAL YOUNG ADULT

• God-focused and other-centered

• Serve intentionally but not disciple intentionally

• Still need coaching

• Ito yung mga nagpapasakop na at naia-apply na ang great commandments sa kanilang buhay.

STAGE 5: SPIRITUAL PARENTS

• Mature enough to reproduce

• Priorities the mission of Christ

3. ENVIRONMENT GROWTH

- Have changed and growth

(*Note: Mas mae-explain ang part na ito sa susunod na lessons.)

(*Note: Have a simple sharing , let them analyze kung nasaan na silang stage and you as a leader must take note of that para alam mo kung saan mo sila tutulungan.)

CONCLUSION

Let us follow the example JESUS set unto us. 'Di man ito madali sa una ngunit laging tandaan na kasama natin ang DIYOS. We must be intentional sa mga bagay na ginagawa natin lalo na sa pagiging isang leader upang mas ma-lead pa natin ang iba patungo sa LORD.

Guide Lessons For Your Cellgroup | Leadership x DiscipleshipWhere stories live. Discover now