Lesson 1: Integrity

495 4 0
                                    

Series #6: The Attributes of A Perfect Leader

Lesson 1: Integrity

INTRODUCTION

Q: What is Integrity?
(Let them answer first)

- quality of being honest and fair.
- the state of being complete and whole.

Biblically, ang integrity ay hindi lamang tungkol sa paggawa ng mabuti bagkus ito ay connection ng ating panloob na pagkatao sa ating panlabas. We should have a right heart.

We can describe it by the word "consistency".

Bilang isang leader napakahalagang magkaroon tayo ng consistency lalo na at hindi na lamang tayo nabubuhay para sa ating mga sarili bagkus ay nabubuhay narin tayo para sa ating kapwa. That is why integrity is a must.

"Discipline people can do the right thing at the right time in a right way for the right reason"

Impossible man pakinggan pero once kasi na consistent ka sa isang bagay ma pe-perfect mo na ito at maayos ang pag-gawa.

Our GOD is the best example, HE is integrity. HE is consistent.

Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya rin ngayon at magpakailanman.
Mga Hebreo 13:8 MBBTAG12

“Ako si Yahweh. Hindi pa kayo lubusang nalilipol sapagkat hindi ako nagbabago sa aking pangako.
Malakias 3:6 MBBTAG12

• The Process of Integration

Ano nga ba ang mga bagay na kailangan natin para magkaroon tayo ng integrity at maging consistent sa paglakad sa LORD?

1. Setting as an example

Isagawa mo ang mga ito at pag-ukulan mo ng panahon upang makita ng lahat ang iyong paglago. Pakaingatan mo ang iyong sarili at ang iyong pagtuturo. Patuloy mong gawin ang mga ito sapagkat sa paggawa mo nito ay maliligtas ka, pati na ang mga nakikinig sa iyo.
1 Timoteo 4:15‭-‬16 MBBTAG12

A person may forget 90% of what leader says, but they will never forget how the leader lives. Bilang isang leader kailangan aware ka sa sarili mong behaviour at mga paniniwala. Make sure na nag ma- match sila.

Why? Dahil marami sa panahon ngayon puro salita lamang pero yung gawa naman baliktad naman. Sinasabi na mahal ang DIYOS pero hindi naman nila sinusunod ang mga utos NIYA.

Constantly examine yourself to see whether your walk matches tour talk.

2. Road to perfection

Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit.”
Mateo 5:48 MBBTAG12

What does it mean? Eh diba wala naman perpektong tao. Lahat naman tayo nagkakamali. Yes po tama. Pero laging paalalahan ang sarili na magkaiba ang nabubuhay parin sa kasalanan sa nagpapabago na sa PANGINOON.

Itong journey natin dito sa mundo ito yung process of perfection natin, ito yung road natin para lumakad with CHRIST-likeness. Mahirap talaga yun if aasa tayo sa ating mga sarili but if we let GOD to do it ay magagawa natin ito.

All of our secrets ay hindi sekreto sa LORD, small things and secrecy is big deal to GOD. Kaya naman kung meron man tayong mga dapat pang alisin sa ating buhay ay itaas na natin ito sa LORD.

CONCLUSION

Noong taon na mamatay si Haring Uzias, nakita ko si Yahweh na nakaupo sa isang napakataas na trono. Ang laylayan ng kanyang kasuotan ay nakalatag sa buong Templo. May mga serapin sa kanyang ulunan, at ang bawat isa'y may anim na pakpak: dalawa ang nakatakip sa mukha, dalawa sa mga paa, at dalawa ang ginagamit sa paglipad. Sinasabi nila sa isa't isa ang ganito: “Banal, banal, banal si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat! Ang buong daigdig ay puspos ng kanyang kaluwalhatian.”  Sa lakas ng kanilang tinig ay nayanig ang mga pundasyon ng Templo at ang loob nito'y napuno ng usok. Sinabi ko, “Kawawa ako sapagkat ako ay isang makasalanan at mula sa isang lahing makasalanan. Mapapahamak ako sapagkat nakita ko ang Hari, si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat!”  Pagkatapos, may isang seraping sumipit ng baga mula sa altar, at lumipad patungo sa akin. Idinampi niya ang baga sa aking mga labi, at sinabi: “Ngayong naidampi na ito sa iyong mga labi, pinatawad ka na at nilinis na ang iyong mga kasalanan.”
Isaias 6:1‭-‬7 MBBTAG12

Q: Anong pagkakaunawa mo sa verses na binasa?
(Let them answer.)

Malalim man kung babasahin ngunit ang nais lamang na iparating ng LORD ay we are torn to be integrated. Kung mapapansin ang nagsasalita sa verses na iyan ay si Prophet Isaiah, HE humbled himself sa harap ng LORD. Umamin siya sa kanyang kalagayan and at the end the LORD cleanse him.

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”
Mga Hebreo 13:5 MBBTAG12

Let this be a reminder to all, that no matter what let us be consistent in serving GOD, kahit anong situation may the integrity of GOD manifest and shine unto our hearts and let us be an example and take the road of perfection according to HIS will.



Guide Lessons For Your Cellgroup | Leadership x DiscipleshipWhere stories live. Discover now