Lesson 2: Life Of Praise

1.2K 9 0
                                    

LESSON 2: Life of Praise
Scripture: Psalms 145

Q: How do you define “Life of Praise”?

Introduction
We must live a life na mapupurihan ang Lord (1 Corinthians 10:31). Kung dati ay tayo ay liwaliw sa mundo ngayon ay kailangan na natin itong mabago at magsimula na sa buhay na dinisenyo saatin ng Panginoon. Sa bagay na ito isa lang naman ang pinakamahalaga, reverence or respeto natin sa Panginoon.
May iba’t-iba tayong struggles kaya naman madalas ay nakakalimutan natin na mamuhay na naayon sa nais ng Panginoon. Ano-ano kaya ang mga bagay na dapat tayo maging aware sa ating pang araw-araw?

1. Languange of Praise
- Araw-araw ay parte na sa ating buhay ang pagsasalita upang gamitin bilang kumunikasyon ngunit hindi natin namamalayan ay sa ating mga pananalita ay nahuhulog na tayo sa nais ng kaaway. Sabi nga hindi ang mga bagay na kinakain o ipinapasok natin sa bibig natin tayo dumudumi kundi sa mga nilalabas nito (Matthew 19:11). Kaya we must be aware sa ga sinasabi natin.
- Mga expressions na mali, pagmumura at mga panlalait sa kapwa.
- Q: Do you think the way you speak napupurihan mo ang Lord? Bakit oo? Bakit hindi?

2. Thoughts of Praise
- Bago pa man tayo makapagsalita e nagiisip tayo but most of the times nakakalimutan natin iyon o kaya naman mali ang ating way of thinking. Lahat ng bagay ang naguumpisa sa ating pag iisip. Walang lumalabas sa ating bibig na di nagmula sa ating utak. May iba’t-iba nga lang sila way of respondin and time. For example sa galit madalas padalos dalos na kasi impulsive ang ating mind doon.
- Sa isip din tayo madalas tinitira ng kaaway, giving us doubts every time especially kapag gabi kung ano-ano na ang naiisip natin.
- Dapat maging sa ating pag iisip we are looking forward for God’s vision unto us. Dapat doon napupurihan parin natin Sya.
- Q: Do you think the way you think napupurihan mo ang Lord? Bakit oo? Bakit hindi?

3. Life Style of Praise
- Review the 4 basic lifestyle of a Christians.
- Baka naman tuwing cell group, gawain sa church o kaya naman Sunday lang tayo Christian pero sa ibang araw back to old life let tayo? We must have a genuine obedience to God. Iyong may consistency.
- We must have an outward reverence iyong kita talaga saatin ang pagbabago hindi iyon sinasadya kundi kusa nalang nalabas and also an outward commitment kung saan we prioritize God all the time.

Conclusion
Kung titignan natin ang tatlong bagay naiyon ay sakop ang ating buong buhay because following God mean surrendering wholly to Him. “Paano naman ang gusto ko? Parang ang unfair naman ata?” Siguro naisip mo na din yan but always remember na kapag inuna natin ang Lord he will never fail us (Matthew 6:33).
Sikapin natin na maging kaayaaya sa harap ng Lord. We should not please people but only God alone for He deserves it.

“But you are to be perfect, even as your Father in heaven is perfect.”
-Matthew 5:48

Guide Lessons For Your Cellgroup | Leadership x DiscipleshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon