Chapter twelve: Taking care of him

18 6 4
                                    

Lisandra's P.O.V

(Araw ng Lunes........)

Nagising ako sa alarm ng clock ko. Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay bumaba na ako upang ipagluto siya ng agahan.

Ipinagluto ko siya ng Korean food. Kahapon ay inutusan ko uli si khiel na bumili ng mga yon. Kaya ko namang magluto ng mga ito.

Pagkatapos kong magluto ay umakyat uli ako sa taas upang kunin ang mga ilo laundry ko.

8:00 am na...di pa ba siya gising?

Inilagay ko sa tray ang mga maruruming damit ko at lumabas na ng kwarto. Lumingon ako sa pinto ng guest room.

Tulog pa kaya siya?....

Bumuntong hininga ako at pumasok sa guest room.

Tama nga ako, tulog pa rin siya. Mahimbing pa ang tulog niya at wala akong balak na gisingin siya.

Ngayon lang yata uli siya nakatulog ng ganito kakomportable....ngayon lang siya nakapagpahinga uli....

Hayaan mo,habang nandito ka... wala kang ibang gagawin kundi ipahinga ang isip at damdamin mo..

Kinuha ko ang maruruming damit niya at lumabas na ako.

Di sinasadyang maamoy ko ang bango noon.

Pati damit na naisuot na niya,mabango pa rin......tss samantalang ako pag nakikipag away, nahahalo sa amoy ko ang baho ng mga nakaaway ko....

Umiiling akong bumaba ng hagdan.
Pumunta ako sa basement . Nandon kasi ang laundry area. Sa tagal ko dito sa bahay na to ay ngayon ko lang gagamitin ito.

Nagpapalaba na lang kasi ako,di ko maharap dahil nga busy ako.

Pinasok ko na sa loob yung mga damit.

Pano ba gumamit neto?..... Aishhh dapat nandito na lang sila mama para sila na ang gumawa neto tss!..

Kailangan ko pang Isearch kung pano gamitin ito bago ko simulan.

"Lisandra?... Where are you, lisandra?", boses ni Jungkook yon.
Dali dali akong lumabas at sinalubong siya.

Ngumiti siya sakin nung makita ako.

"W-what do you want?", tanong ko.

"You look good in that yellow apron", nakangiting sabi niya. Nagbaba ako nang tingin at nakitang suot ko pa rin ito.

Di ko ba natanggal kanina? Psh!....

"Ahh,t-thanks. Are you hungry now? It's already.....", tumingin ako sa relo ko. Napamaang ako.

12:20?!.... kanina lang maaga pa ahh..natagalan ata ako sa laundry area...

"Yeah,it's late to eat breakfast so I'll eat brunch instead", sabi nya. Napakamot ako sa ulo.

Di bale..magluluto na lang ako ng isang Korean dish...

"Can you wait a little longer? I-i only cook a breakfast... I didn't know that it's already lunch ", sabi ko.

"I can join you to cook if you want", alok niya. Umiling ako.

"No,just sit there. I can do that by myself. Just wait here", sabi ko at pumasok sa loob ng kitchen.

Nag umpisa na akong magluto. Sandali lang ang tinagal noon at natapos rin. Tinanggal ko na rin ang apron na suot ko.

"Lucas? Brunch is ready", sabi ko sa kanya. Nakapamulsang naglakad siya papunta sa dining table at naupo sa isang upuan don.

I am the Lucky Girl (Part 1)Where stories live. Discover now