#8 Unexpected Revealation

26 2 0
                                    

#8

Her POV

'Tomorrow is the day that I'll make my greatest confession.'

  Kinabukasan maaga akong nagising para pumasok. Excited ata masyado ang inner conscience ko para mag-confess sa EX kong pinaglihi sa sama ng loob. Tulog pa si Itay nang umalis ako, nag-iwan nalang ako ng note sa ibabaw ng lamesa kung sakaling magising siya tapos hanapin ako at nakitext narin ako sa kapitbahay naming si Kuya Jes (dahil tamad akong magload) para ipaalam kay Jojo na nauna na ako sa kanyang pumasok.

  Pagkarating ko sa mismong blocked section namin napatigil ako sa pagpasok nang may narinig akong malungkot na musika... parang tunog ng isang harmonica. Masarap sa pandinig ang tunog na lumalabas sa instrumentong iyon kaso masyadong malungkot.

''Ang galing.'' namamanghang bulong ko.

  Pagpasok ko isang tao palang pala ang nandito. Walang dudang siya ang may gawa ng musikang naririnig ko. Nakaupo siya sa arm chair sa may bandang likuran at nakaharap sa bintana habang nakapikit na tila ba talagang dinarama ang bawat notang lumalabas sa harmonica. Napapalakpak ako nang matapos siyang tumugtog.

''Ang galing mo! More more!'' napalingon siya kinaroroonan ko at matamang tiningnan ako. Medyo namumula ang mata niya, though hindi naman yun nagkapag-pabawas sa kagwapuhan niya.

  Naglakad na ako sa puwesto ng upuan ko at pinaikot ito paharap sa kanya.

''Pretty nga pala.''

  Nilahad ko ang kamay ko para makipag-shakehands sa kanya pero tiningnan niya lang ito. Napangiwi ako.

''Gio.''

  Binawi ko ang kamay kong napahiya much at ngumiti sa kanya. 'Si Mr. Quiet Please!'

''Ang galing mong tumugtog! Bakit hindi ka sumali sa Music Club? Malay mo madiscover ka edi bongga!''

''Ayoko.'' walang emosyong sabi niya.

''Ahm... okay. Hindi naman kita pinipilit eh. Hmm.. asan mga kasama mo? Ikaw palang?''

  Nagkibit-balikat lang siya at tumingin ulit sa bintana. 'Boring ba akong kausap?'

  Ganito pala pag maagang pumapasok, ang tahimik ng buong Highlands. Wala gaanong mga stupidents na nagkalat sa mga hallways. Nilingon ko ang wall clock na nakasabit sa harapan, alas sais palang pala nang umaga at alas nuwebe pa ang simula nang unang subject.

  Napabuntong-hininga nalang ako at napatingin ulit dito sa kasama kong si Gio. Tama nga si Gelo, silent type nga itong isang alipores niya. Napatingin ako sa pendant ng kuwintas na suot niya, ito pala yung harmonica na tinutugtog niya kanina. Katamtaman lang ang laki nito na may katabi pang parang pakpak. 'Cool!'

''Pwede ko bang makita iyang kuwintas mo?'' napatingin siya sa akin at sa kuwintas na suot niya.

''Tinitingnan mo na.''

''Eh? I mean pwede ko bang hawakan?''

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Ying and Yang CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon