#3

21 2 0
                                    


#3

Hinatid muna ako ni Jojo sa Department ko bago siya pumasok sa klase niya. Sinabi narin niya sa akin na same course kami ng mga transferees. Binalaan niya ako na obvious naman daw na ako ang pinupuntirya nila. Haaay. Napapraning na siya. Ano naman kung ako nga? Kailangan ko na ba matakot agad at maglupasay sa sahig? Syempre, chill lang.

Hinanap ko na ang room ko para sa first subject ko. Regular class narin ngayon kaya konti nalang ang stupidents na gala dito sa campus. Yung iba siguro dyan, vacant nila. Nang nasa tapat na ako ng room ko, huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.

Pagbukas ko ng pinto, tinginan lahat sa akin. Pati ang mga pitong kalalakihan na nasa harap na mukhang nagpapakilala ata, napatingin rin. At nakilala ko agad ang isa sa kanila.

''You're late again Miss Torrez!'' Napatingin ako sa sumigaw. Si Sir Marco Ignacio pala, bata pa si Sir dahil fresh graduate siya.

Napakamot ako sa batok ko at ngumiti. Mannerism ko na ata yan. ''Late again? Sir first day of second sem palang po.''

Tumawa ang mga kaklase ko sa isinagot ko, maging ang mga lalaki sa harapan maliban sa kanya. Him.

Namula naman si Sir sa inis ata sakin. ''I-I mean, lagi ka na nga lang late noong first sem. Pati ba naman ngayon?''

Nagtaas ng isang kamay yung isa kong kaklaseng lalaki at tumayo, si James. ''Sir why are you stammering?'' Kumindat pa siya sa akin bago umupo. Ang landi. -_-

''Tsk. Are we going to stand all day here watching those craps?!'' Napatahimik lahat sa nagsalita. Pati si Sir Marco na mukhang may sasabihin pa ata kay James ay naudlot. Tinaasan pa niya ng isang kilay si Sir para i-emphasize ang gusto nitong ipahiwatig. Napabuntong-hininga ako. He's really back. Back to his old self, the darker one.

Tumikhim muna si Sir at muling nagsalita. ''You may all take your sits now. You too Miss Torrez.''

''Aye aye Sir!'' Sumaludo pa ako sa kanya and for the second time around, namula nanaman siya. Weird.

Pinauna ko munang makaupo yung pitong kalalakihan. Nakakahiya naman, mukha silang mga dugong bughaw. At huwag mo naring balakin na tumabi sa kanila, magmumukha ka lang na commoner.

Naupo sila sa pinaka-dulong row. Usual na puwesto ng mga bad guys mapa-fictional story pa yan or true-to-life. Nakakita narin ako ng vacant chair at kung sinuswerte ka nga naman, sa tapat pa ng taong dapat kong iwasan. No choice. Naglakad na'ko papunta sa vacant chair na yun at nang matapat ako sa puwesto ni James, sinabunutan ko siya. Then lakad ulit. Narinig ko pang napa-Oooh yung iba kong kaklase.

''Buti nga! Ang landi-landi kasi.'' sabi ni Mara, ang laging kaharutan este kaasaran ni James. ''Shattaaap!'' sagot naman ng nahuli.

Habang papalapit ako sa puwesto ko, titig na titig siya sa akin nang sobrang talim. Tinitigan ko rin siya at nginitian. Nagulat pa ata siya sa inasta ko. Namiss ko yan. Ang pag-iba ng facial expression niya sa tuwing lalabanan ko ang mga titig niya. His face becomes soft, as if longing for me. Bahagya akong napatigil sa paglalakad.

''Gelo ko.''

When Ying and Yang CollidesΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα